Simula pa kagabi na hindi ko pa nahahawakan ang aking cellphone na kaagad ko namang hinagilap ito sa aking bag. May mga tawag si Myrna sa akin. Naka-silent mode ang cellphone ko kaya hindi ko narinig ang tawag nito. Alam kong nag-alala na ito sa akin kung kaya't tinawagan ko na ito. "Bessy, nasaan ka? Sobrang nag-alala ako sa'yo. Okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong nito mula sa kabilang linya na parang maiiyak. "Okay lang ako bessy, pauwi na rin ako," sabi ko rito upang hindi na ito mag-aalala pa sa akin. "Sigurado ka, ha. Bakit kasi hindi mo ako tinawag kagabi?" "Hindi na kita inabala dahil kasama ko naman si Dexter. At isa pa nakakahiya na bessy, nasa iyo na ang mga kapatid ko kaya ayaw ko na abalahin pa kita," ani ko rito. "Bessy, hindi na kayo iba sa akin kahit anong oras nand

