Chapter 1

1161 Words
Bernadette Robles POV "Girl, nakita mo ba ang nakikita ko?" bulong ni Brenda sa akin habang nagpupunas ako ng lamesa. "Ang lagkit talaga ng tingin niya sa akin girl." Tila kinikilig nitong wika. Hindi ko tiningnan kung sino man ang kaniyang tinutukoy, malamang isa na naman ito sa mga target niyang boys. "Bumalik ka na nga sa trabaho mo baka mapagalitan pa tayo," saway ko rito. "Ang kj mo talaga kahit kailan." Sabay irap nito. "Pero girl, ang guwapo niya talaga. My gosh, papunta siya rito sa atin." Tumili ito ng mahina at napakagat labi pa. Wala sariling napatingin din ako sa lalaking sinasabi nito. Mayamaya pa ay nasa harapan na nga namin ang lalaking tinutukoy nito. "Miss, ipinabibigay ng boss ko." Tumingin muna ito ro'n sa lalaking sinasabi nitong boss nito saka nito iniabot sa akin ang isang nakatuping papel. Sinundan ko rin ng tingin ang taong tiningnan nito. Isang tingin ko pa lang dito mukhang mayaman ito at nuknukan ng sungit dahil hindi man lang ito ngumiti habang nakatingin sa akin pero may ipinapaabot na papel. "Eh, sa akin pogi wala kang ibibigay?" malanding sambit ni Brenda sabay kagat ng kaniyang labi. Siniko ko ito para manahimik ngunit lalo pa itong lumandi. "Puwede ba kitang iuwi ngayong gabi?" ani pa ni Brenda rito na tila hindi mapakali sa kaniyang kinakatayuan. "Gustohin ko man pero hindi kasi ako pumapatol sa bakla," wika ng lalaki. Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng mahinang tawa. Bumusangot naman ito na tila hindi maipinta ang mukha saka nito inirapan ang lalaki. "Kala mo naman kung sinong pogi, ang pangit naman," pabulong nitong sambit tama lang na marinig ko. "May sinasabi ka bading?" pang-asar pa ng lalaki sa kaniya na lalong ikinasira ng mukha niya. "Kung wala kang magandang sasabihin umalis ka na, I don't wanna see your face ever again." Sabay walkout nito. Napapailing na lang ako rito. "Pagpasensiyahan niyo po siya, malandi lang talaga siya," wika ko sa lalaki. "It's okay, nakakatuwa nga siyang biruin eh," tumawa ito nang mahina. "Sir, ano po itong papel na ito?" tanong ko rito bago ko makalimutan. "Love letter 'yan ni boss para sa iyo, basahin mo na lang," nakangiti nitong wika bago ito tumalikod. Palagi kong nakikita ang lalaking iyon dito sa bar. Halos gabi-gabi ito kung pumunta. Madalas mag-isa lang ito habang nakaupo sa isang sulok. Tiningnan ko lang ang papel na nasa kamay ko bago ko ito itinago sa bulsa ng aking pantalon. Mamaya ko na lang babasahin iyon, kailangan ko munang magtrabaho para may makain kaming magkakapatid dahil paniguradong hanapan nila ako sa pag-uwi ko mamaya. Laking pasasalamat ko at tinanggap akong serbedura ni Mamang Sandra sa bar niya. Sa araw pumapasok ako sa school at pagsapit naman ng gabi sa bar ni Mamang Sandra ako pumapasok. Madalas wala na akong pahinga sapagkat kailangan kong kumayod para sa aming magkakapatid. Maaga kaming naulila sa mga magulang kung kaya't ako na lang ang inaasahan ng mga kapatid ko. "Hoy, ang lalim yata ng iniisip mo? Saan ka na nakarating?" untag sa akin ni Mamang Sandra. "Mang naman, nanggugulat kayo eh." Sabay hawak ko sa aking dibdib. "Nagulat daw. Bawas-bawasan mo kasi ang paglaklak mo ng kape," tumawa pa ito. "Nga pala, nag request 'yong customer natin doon sa dulo na samahan mo raw siya. Magbabayad siya ng kahit na magkano basta't samahan mo lang daw siya." Parang alam ko na kung sino ang tinutukoy nito kaya napatingin din ako sa direksiyon kung saan ito nakatingin. "Hindi pa po ako tapos sa aking ginagawa, Mang." Tumingin ako rito. "Si Brenda na ang bahala riyan, puntahan mo na lang iyon kanina pa 'yan nakatingin sa'yo. Pakiramdam ko lang ha parang nakahubad ka na sa paningin niya," tumawa ulit ito. "Mang!" mariin kong wika saka ko pinandilatan ito ng mata. Tumatawa pa rin ito. "Puntahan mo na iyon bago pa magbago ang isip no'n." Kinuha nito sa kamay ko ang hawak kong basahan. Ano pa nga ba ang magagawa ko kun'di lapitan ang lalaking iyon. Saka tiwala naman ako kay Mamang Sandra na hindi ako mapapahamak sa lalaking iyon. Nilapitan ko nga ito. "Good evening, Sir!" bati ko rito. "Ano ang maipaglilingkod ko po sa inyo?" Nakatingin lang ito sa akin at tila walang balak magsalita. "Sir?" tawag ko rito saka ako pumuwesto sa harapan niya. Guwapo nga bingi naman. Ilang minuto rin akong nakatayo sa harapan niya ngunit wala pa rin itong imik. Titig na titig pa rin ito sa akin. Alam ko naman na maganda ako. "Sir, may sasabihin po ba kayo? Kasi kung wala na po babalik na po ako sa trabaho ko," wika ko sa kaniya na hindi pa rin maalis ang tingin nito sa akin. Sinasayang niya lang ang oras ko. Ano ba ang gusto nito magtitigan na lang kami buong gabi? Mabuti siya at mapera hindi niya kailangang kumayod samantalang ako isang kahig isang tuka. Bahala nga siya sa buhay niya! Akmang tatalikod na ako nang hablutin nito ang braso ko. "Stay with me!" anito. Nagsasalita naman pala pinapahirapan pa ako. "What can I do for you, Sir?" muling tanong ko rito. "Just stay with me!" muling sambit nito. Humarap ako rito at sakto namang nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko alam biglang may kung anong humaplos sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Pinaupo ako nito sa katabi niyang upuan. Lumipas pa ang ilang minuto bago ito nagsalitang muli. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na gusto kita?" wika nito habang nakatingin ito sa hawak nitong baso na may laman na alak. Hindi pa nga kami magkakilala tapos bigla na lang siyang magsabi na gusto niya ako. Love at first sight? Uso pa ba iyon? Ni hindi pa nga niya sinasabi ang pangalan niya. Napatingin lang ako rito at wala ni kahit anong salita ang lumabas sa aking bibig. Ikinagulat ko ang sumunod nitong ginawa, ang siilin ako nito ng halik sa aking mga labi. Alam kong may huwisyo na ito ng alak kung kaya't naging mapusok ito na kaagad ko namang pinutol. "Sir, lasing lang po kayo." Itinulak ko ito palayo sa akin. Ngunit hindi ko naman maintindihan ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Ano ang nangyayari sa akin? "I'm not drunk, at totoo ang sinabi ko. Believe me!" he capped my face. "Gusto na kita simula noong una kitang nakita rito. I didn't get the chance to tell you because I was afraid of rejection." Napalunok na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kakaiba ang taong ito masiyadong mabilis. "Please be my girlfriend or else I will kidnap you," wika nito habang namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin. "Ako ba ay niloloko mo?" sigaw ko rito. "I'm not kidding, I love you!" At muli nitong siniil ng halik ang mga labi ko. Nais ko sanang kumawala sa mga halik nito ngunit masiyado siyang malakas upang pakawalan ako hanggang sa kusang tumugon na rin ako ng halik sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD