Pagkatapos ng pagkikita naming iyon ay naging abala na ulit ako sa aking trabaho at ganoon din ito. Lalo na ngayon at siya na ang pumalit sa puwesto ng kaniyang ama bilang CEO ng kanilang kompanya. Hindi naman ito nakakalimot na tawagan ako araw-araw. Napagkasunduan namin na every weekend na lang kami magkikita sa rest house. Sinabi ko na rin kay Myrna ang tungkol kay Dexter. Noong una ay tutol siya dahil baka kung ano na naman ang gawin ng ina nito sa akin pero kalaunan ay pumayag na rin ito alang-alang na lang daw sa kaligayahan ko. "Basta bessy, sabihin mo sa akin kapag pinag-initan ka na naman ng impakta na 'yon at ako ang makakalaban niya." "Relax ka lang, bessy. Kaya ko na 'to. Hindi na ako ang dating Bernadette na kaya niyang api-apihin." "That's my bessy. Palaban na!" Nag-ap

