SSPG (skip niyo na lang kapag hindi kayang basahin) Pagkatapos ng mainit na tagpong iyon sa pagitan naming dalawa ay agad din akong nakatulog habang nakaunan sa kaniyang braso. Kalagitnaan ng aking pagtulog ay bigla akong naalimpungatan, at napansin kong wala ito sa tabi ko ng kapain ko ito. Agad na iminulat ko ang aking mga mata upang hagilapin ito. Nakita ko itong naninigarilyo sa balkonahe. Bumangon ako at nilapitan ito. "Babe, may problema ka ba? Kagabi pa kasi kita napapansin na parang wala ka sa iyong sarili," wika ko. Hindi ito sumagot bagkus humithit pa ito ng sigarilyo sabay buga ng usok sa kaniyang tagiliran na malayo sa akin. Ganito siya dati kapag may gusto siyang gawin o sasabihin na hindi niya magawa-gawa. Hindi ko lang alam kung ganito pa rin siya hanggang ngayon. "Ba

