Dahil araw ng sabado wala akong pasok sa eskwelahan, kung kaya't tinanghali na ako ng gising. Nagulat na lamang ako ng bigla akong gisingin ni Jimboy. "Ate, gising na. Nandito na si Kuya Dexter," ani nito habang niyuyugyog ang balikat ko. "Anong oras na ba?" mumukat-mukat ang mga mata kong tanong dito. "Alas otso na ng umaga." Napansin kong nakabihis na rin ito. Ba't kasi ang aga ng Dexter na 'to, sana kinalimutan niya na lang ang araw na 'to nang sa ganoon hindi matuloy ang joyride na sinabi nito sa kapatid ko. At nang sa ganoon ay matulungan ko rin si Myrna sa tindahan niya dahil mamayang gabi pa naman ang pasok ko sa bar. "Maliligo lang ako," wika ko rito habang humihikab. "Sige ate, hintayin ka po namin sa labas," excited na wika nito bago lumabas ng kuwarto. Niligpit ko muna a

