Kinagabihan ay hindi ako pumasok ng bar at pumayag naman si Mamang Sandra. Tawag din nang tawag si Dexter sa akin ngunit hindi ko ito sinasagot. Hinayaan ko lamang tumunog nang tumunog ang cellphone hanggang sa mamatay ito ng paulit-ulit. Gusto ko rin naman siyang makausap kaya lang natatakot ako. At paniguradong alam niya na rin ang tungkol sa panunugod ng ina niya rito sa bahay. At hindi na rin ako magtataka kung babaliktarin ng ina niya ang nangyari kanina at ako ang lalabas na masama. Mahal ko si Dexter, pero parang hindi ko na yata kakayanin kung ganoon ang ugali ng kaniyang ina. Hinding-hindi talaga kami magkakasundo. Hindi ako nagrereklamo sa buhay na mayroon ako pero ang insultuhin ako at ang pagkatao ko ay hindi ko na papayagan pang muli na gawin niya iyon sa akin. Siguro nga,

