Chapter 18

1521 Words

Papunta na ako ngayon sa trabaho ni Yssabelle. Nag-text na ‘ko sa kanya na susunduin ko siya para sabay na kaming pumunta sa bahay nila. Pagdating ko, nakita ko na siyang naghihintay sa may tapat ng daan at tila may hinahanap. Hindi muna ako lumabas ng sasakyan at pinagmasdan siya. Naalala ko na naman ang mga sinabi ni mommy kanina. Ang hirap lang talagang paniwalaan na masamang tao si Yssabelle, dahil ni minsan, hindi ko siya nakitang magalit. Nawala ako sa pag-iisip nang may lalaking lumapit kay Yssabelle. Namumukhaan ko ang lalaking ito… siya ‘yung lalaking sinuntok ko noong nakaraang araw. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Kailangan kong magtiwala kay Yssabelle. Ayokong pairalin ullit ang galit ko dahil wala naman itong mabuting naidudulot sa ‘min. Natatakot ako na baka mapagod si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD