Kyle Joshua Cristobal’s POV Dalawang araw na ang lumipas simula nang lumipat si mommy dito sa bahay ko. Hindi man sabihin ni Yssabelle, pansin ko ang pag-iwas niya kay mommy. Katulad na lang ngayon, nandito siya sa kwarto namin. Lalabas lang siya kung kailangan. Tinatanong na rin ako ni mommy kung ano nga ba ang problema o kung may mali ba siyang nagawa. "Ayaw mo bang lumabas?" muli kong tanong kay Yssabelle. "Hindi. Dito na muna ako. Tatatapusin ko lang ‘tong trabaho ko," hindi man lang niya ako sinulyapan. Nakatuon lang siya sa kanyang ginagawa. Umupo ako sa tabi niya. "May problema ba?" hinawakan ko ang balikat niya at iniharap siya sa ‘kin. "Kung meron man, sabihin mo..." Iling lang ang sagot na natanggap ko mula kay Yssabelle. Walang ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. Na

