"Love," naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko. Minulat ko ang mga mata ko at agad na sumalubong sa akin ang mukha ni Kyle. Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako sa pag upo. "Mukhang napagod ka ata? Ayos ka lang ba?" "Medyo napagod nga, pero ayos lang ako.." hindi ko ipinahalata sa kanya ang lungkot na nararamdaman ko. Hinapit niya ang baywang ko at hinalik-halikan ang balikat ko. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa." "Tara, kain na tayo. Nag take out ako kanina sa resto na nadaanan ko," aniya at iginiya ako patungong dining area. Tahimik naming pinagsaluhan ni Kyle ang hapunan. Walang nag iimikan sa aming dalawa. Napansin niya siguro ang pagka wala ko sa sarili, dahil kung minsan ay hindi ko nasasagot ang mga tanong niya. Hindi lang kasi maalis sa isip ko ang mga maaring mangyari

