Kasalukuyan akong kumakain ng hapunan nang mag biglang may magsalita sa likuran ko. "Oh, hi there, my dear Yssabelle..." lumingon ako sa nagsalita at laking gulat ko nang makita ang mommy ni Kyle. "Good evening po," wika ko. "Upo po kayo..." naglakad siya at umupo sa tapat ko. "Gusto niyo po bang kumain?" "No. Hindi naman ako magtatagal," seryosong sabi niya. Ngayon ko pa lang makakausap ng harap harapan ang mommy ni Kyle, na si Cristina Cristobal. Sa tuwing pumupunta kasi ako sa bahay nila, mailap siya sa akin. Hindi niya magawang makipag kwentuhan man lang. "Bakit po pala kayo naparito?" Inayos ko ang upo ko at ibinaba ang kubyertos na hawak. "Mamaya na tayo mag usap. Kumain ka na muna," tumango na lang ako at tinapos na ang pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay inayos ko na muna

