"Yssabelle!" salubong ni Carla kinabukasan pagpasok ko sa trabaho. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "I miss you…" "Na-miss din kita," niyakap ko siya pabalik. "Heto nga pala ang mga pasalubong ko sa ‘yo…" sambit ko nang maghiwalay kami sa yakap sabay taas ng mga dala ko. "Wow! Thank you," kinuha niya ito. "Suhol ba ‘to sa pag cover ko sa ‘yo ng ilang araw?" Natawa na lang ako at napailing. "Kumusta naman… kayo?" naging seryoso bigla ang timpla niya. Tumungo muna ako sa pwesto ko bago siya sagutin. Tahimik lang na nakasunod si Carla sa ‘kin, mukhang hinihintay ang sagot ko. "Ayos na kami…" baling ko sa kanya. "Totoo na ba ‘yan?" nanliit ang mga mata niya na tila nagdududa sa sinabi ko. "Baka naman gumaganti lang ang lalaking ‘yan sa ‘yo?" "Hindi naman siguro. H-hindi niya magag

