Tumigil si Kyle sa paghalik at marahas akong hinila patungo sa kwarto niya. Alam ko na agad ang susunod niyang gagawin. Tinulak niya ako sa malambot niyang kama kaya naman napahiga ako kaagad. Pumaibabaw siya sa akin at muling inangkin ng mapupusok na halik ang aking labi. Kung minsan ay kinakagat niya pa ang ibabang parte nito kaya nagpapakawala ako ng mababang ungol. Panandalian siyang tumigil sa kanyang paghalik para tingnan ako. "Do you want this? Do you like what I’m doing?" seryoso ang kanyang tono at hindi maipagkakaila ang diin nito. Nang tumango ako bilang sagot, pinagpatuloy niya ang halik sa aking labi. Mas mapusok ngayon ang bawat dampi nito sa labi ko. Unti-unti na namang nabubuo ang kakaibang init na katawan ko. Init na tanging si Kyle lang ang may kakayang gumawa. Nagpauba

