Napabalikwas ako nang marinig kong bumukas ang pintuan. Si Kyle na siguro ang dumating. Kaninang umaga pa kasi siya umalis, simula nang pag usapan namin ang tungkol sa nangyari sa nakaraan. Tumayo ako para salubungin siya. Napatingin ako sa orasan, pasado ala una nan g madaling araw. Saan kaya siya nanggaling? "Kyle..." pambungad ko. Lumapit ako sa kanya para alalayan siya dahil hindi na tuwid ang kanyang paglalakad. Mukhang lasing siya, nangangamoy kasi ang alak sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya. "Saan ka galing? U-uminom ka ba?" "Ano bang pakialam mo? Hah? A-asawa ba kita?" tinabing niya ang kamay kong nakaalalay sa braso niya. "Tabi n-nga d’yan!" Hindi ko siya pinakinggan. Humawak ulit ako sa kaliwang braso niya at isinukbit iyon sa balikat ko. Mabuti naman at hindi na siya umang

