Lumapit sa akin si Kyle at hinila ako patayo para bigyan ng mahigpit na yakap. Ngapangiti ako sa kanyang ginawa at niyakap siya pabalik. "Thank you, Yssabelle. Promise, I'll make it up to you…" bumitaw siya sa yakap at marahang dinampian ng halik ang noo ko. "Ako dapat ang mag pasalamat sa ‘yo," nginitian ko siya. "Thank you for forgiving me." Lahat ng lungkot na nararamdaman ko nitong mga nakaraan araw ay bigla na lang napawi. Pagdating talaga kay Kyle, agad nagbabago ang emosyon ko. Siya lang ang may kayang pasayahin ako ng ganito. "Let's forget the past, okay?" Tumango ako. Bumaba ang labi ni Kyle patungo sa labi ko. Pinikit ko ang aking mga mata para maramdaman ang malambot niyang halik. Isang matamis at totoong halik na nagpabilis ng t***k ng aking puso. Nilagay ko ang magkab

