"Best kiss ever!" bulalas ng babae nang maghiwalay ang mga labi nila ni Kyle. "Shut up, Sheena!" sagot ni Kyle at tumingin sa akin. Nagbaba lang ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan sa ganitong sitwasyon. Hindi sa ganitong pagkakataon. Umupo siya at hinawakan ang mga kamay ko na nasa mesa. "I’m sorry…" napayuko siya bigla at hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil tuluyan na akong napahagulgol. "Poor kitten," anang babae. "Ganyan pala ang mga type mo Kyle, mga mahihinang babae..." tumawa siya ng nakakainsulto. "Anyway, I have to go. See you around lover boy." Hindi pinansin ni Kyle ang sinabi ng babae. Sinamaan lamang niya ito ng tingin pagkatapos ay lumipat siya sa tabi ko. "Shh… stop crying," inalo niya ang likod ko. Patuloy lang ako

