1: Albularyo
Kurtney Elizabeth POV*
"Ahhhhhhh! Tama na po!" Pag mamakaawa ko kay Inang Rosa.
"Tumahimik ka! Lumayas ka masamang ispirito na sumapi sa katawan ng kawawang babaeng ito!"
Sabi ng matandang albularyo. Tang ena! Ang sakit na ng katawan ko.
"Obladeee Obladaaaa Mayaaaheeee Mayaaahaaa! Mayaahaaahaa! Ang Na Ang Na Su La Ki Hin Su Mas Ki Dot Mo Ko Mo ko "
Orasyon sa akin ng matandang mang kukulam este albularyo pala.
Hinahampas niya ko ng dahon ng kung ano mang tawag niya diyan basta masakit sa balat! Inang Rosa ang tawag namin sa kaniya dito sa liblib na barangay ng Siargao. Si Inang Rosa kasi ang pinaka matandang albularyo dito sa lugar namin at laging pinupuntahan ng mga tao para mag pagamot. Hindi uso dito ang clinic o hospital. May panyo siya sa ulo na kulay itim at may nakadrawing na parang titeng binaliktad. Kinilabutan naman ako sa matandang ito. Kulubot na rin ang balat niya, iisa na lang ang ngipin sa taas na naka usli pa at wala ng ngipin sa ibaba. Parang may clearing operation na naganap!
Hindi naman sa panlalait, pero nakakatakot talaga ang itsura niya pero mabait naman si Inang Rosa at hindi madamot. Kung minsan nga ay ginagamot niya pa din kahit walang kakahayan mag bayad sa kaniya.
"Obladeee Obladaaaa Mayaaaheeee Mayaaahaaa! Mayaahaaahaa! Ang Na Ang Na Su La Ki Hin Su Mas Ki Dot Mo Ko Mo ko "
Muling sabi niya sabay buga ng hininga sa mukha ko.
Tang ena! Para akong hihimatayin! Inang naman kailan ka ba huling nag sipilyo? Imbis na gumaling ako parang sa hininga pa niya ako ma-mamatay! Parang amoy imbornal na parang amoy ebak na ewan! Juskooo po! Mapapadasal ka talaga ng walang sa oras! Ito na ata mga huling sandali ko sa earth! Charet! Si O.A!
Pero lablab naman yan si Inang Rosa. Kakampi ng lahat yan kahit mukha siyang kalaban! Hehe. Makita lang siya ng mga NPA dito samin, sumusuko na agad. Haha! Kaya payapa ang lugar namin dahil sa kaniya. Hehe. Dahil sa mga naiisip ko ay bigla ako natawa kaya muli na naman niya ako hinampas ng mga dahon niya na may maliliit na tusok - tusok. At this time mas malakas! From hehe to huhu real quick!
"Aray! Inang Rosa masakit na po! Wala po akong sapi! Naman eh!"
Nag mamaktol kong sabi. Hindi ako makagalaw dahil nakagapos ang dalawang kamay ko sa mag kabilang gilid ng papag ng katre niya na walang foam at parang may surot pa!
Bakit nga ba ako andito sa sitwasyon na ito?
- FLASHBACK -
"Shet! Ang sakit ng tiyan ko!"
Halos mamilipit na ako sa sakit ng tiyan ko. Hindi dahil natatae ako kundi hindi makalabas ang utot ko na kanina ko pa pilit na inilalabas pero ayaw talaga! Naparami ata ako ng kain ng kayumito kanina at nag sara ang butas ng pwet ko.
Naabutan ako ng bff ko na si Shiena Mae na nasa ganung sitwasyon kaya dali - dali itong lumapit sa akin.
" Oh, my ghaddddd! BFF, anong nangayayari sayo? Ma - mamatay ka na ba? Wag muna! Hindi pa namin nakikilala ang lalaking may 13 inches na dumali sayo! Wait, wait tatawagin ko si Nixon sa labas! "
Natatarantang sabi ng bff kong may saltik. Bunganga talaga! Sarap i-stapler! Pinaalala na naman sa akin yang 13 inches na yan.
" SHIENA MAE CELEDIO!!! " Sigaw ko sa bff kong buang pero hindi na niya ako narinig pa.
Agad naman siya nakabalik at kasama na niya ang kaibigan naming lalaki na si Sean Nixon Gonzales. Binata pa ito, matanda lang sa amin ni bff Shiena ng 2 years, moreno, matangkad rin at may mala - Piolo Pascual na pangangatawan. Pero wag kayo papadala diyan dahil loko - loko din yan.
"Nix, dalhin natin siya kay Inang Rosa. Dali! Hindi pa pwede mamatay ang kaibigan natin nang hindi pa muli nalalasap ang sarap ng 13 inches!"
Parang tangang sambit ni Shiena. Paulit - ulit?
"13 inches din naman yung sakin eh!" Pabulong na sabi ni Nixon. Dinig ko naman.
"Ano yun?" Tanong ni Shiena bungol.
"Wala! Tumawag ka na ng tricycle sa labas!" Parang iritableng sabi ni Nixon.
Maingat ako binuhat ni Nixon ng pa bridal style at tsaka nag mamadaling inilabas ng bahay. Saktong dating naman ng tricycle na kinuha ni Shiena.
"Guys, wag na. Okay lang naman ako. Kelangan ko lang maka ut..."
"Shut up bff. Kami na bahala sayo! Hindi ka namin pababayaan!" Putol na sabi sakin ni Shiena.
"Hindi na nga kailangan. Dadapa na lang ako sa unan para maka ut...."
"Wag na matigas ang ulo Kurtney Elizabeth! Dadalhin ka na namin kay Inang Rosa para magamot ka."
Muntangang pigil naman sa akin ni Nixon.
"Grrr! Guys, kelangan ko lang talaga maka..."
"Shhhh!"
"Shhhh!"
Panabay na sita sakin ng mga anemal na toh.
Ano baaaaa??!!! Gusto ko lang naman sabihin na kailangan ko lang maka utot! Hirap pala ng may mga OA na kaibigan! Nyuskoooo!
Pagkadating namin sa bahay ni Inang Rosa, binuhat ulit ako ni Nixon. Pinahiga naman ako ni Inang Rosa sa katre niya.
"Anong nangyari sa kaniya, ineng?"
"Naku, Inang Rosa kanina pa si Beth namimilipit sa sakit ng tiyan. Mukhang nakulam ata."
Pakipaalala nga sakin mamaya na kailangan ko batukan ang babaeng toh! Grrr!
"Sige, akong bahala!"
Agad naman kumuha si Inang Rosa ng maliit na planggana na may lamang maligamgam na tubig. Nag sindi rin ito ng malaking puting kandila. Pinapatakan niya ng kandila ang tubig hanggang sa may mabuong korteng tao daw kuno.
"Hindi lang siya basta kinulam, ineng. Siya mismo ay sinapian ng masamang ispirito!"
Napa irap naman ako sa sinabi ng albularyo na toh.
"Nakita nyo yun? Tumirik ang mata niya! Nag sisimula na ang sumapi sa kaniya magparamdam!"
"Naku, Inang. Tulungan mo po ang kaibigan ko. Kahit lukarit yan mahal ko yan! Kaya pala kung anu - ano pinag sasabi niya kanina at ayaw niya magpadala dito sa inyo. Tulungan mo po siya mawala yung masamang ispirito sa katawan niya!"
Naiiyak na pakiusap ni Shiena kay Inang Rosa.
"Pagdali, tulungan niyo ako itali ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng kama para hindi siya pumalag sa orasyon na gagawin ko!"
Tang ena na lang talaga!
- END OF FLASHBACK -
"Ouchhh! Bff naman! Sorry na nga eh!"
Nagmamaktol na sabi ni Shiena habang napapa padyak ng paa. Hinila ko kasi ang buhok niya. Gaga kasi siya!
"Bwisit ka kasi! Gigil mo ko eh! Sinabi nang hindi na ko kailangan dalhin dun kay Inag Rosa. Tigas ng bungo!"
"Sorry na kasi. Hindi ko naman alam na namumuong sama ng hangin lang pala problema mo sa tiyan akala ko kasi kinulam ka na nung haliparot na kapitbahay natin eh."
Naka ngusong sabi naman ni Shiena.
"Eh bakit kasi di kayo nakikinig sa sinasabi ko kanina?" Naiinis kong sabi.
"At ikaw, isa ka pa!" Sita ko naman kay Nixon.
"Bakit ako nadamay diyan? Nag magandang loob lang ako ha. Dinamay lang ako ni Shiena."
Depensa ni Nixon sabay iwas ng tingin.
Bwisit ang hapdi ng balat ko. Baka makita ito ni Ezekhiel forda paliwanag malala na naman ang ferson.
Nag lalakad na lang kami papunta sa amin. Wala na kasi kaming pamasahe pauwi. Ewan ko ba naman kasi anong pumasok sa isip ng mga kaibigan kong ito. Mga walang dalang pera! May bente pesos ako sa bulsa pero hindi na sapat pambayad. Tska ipambibili ko pa yun ng pasalubong kay Ezekhiel ko eh.
May nadaanan kaming nag titinda ng laruan sa latag. Binili ko ang parang robot na spider man na maliit. Saktong bente pesos lang ito kaya binili ko na.
Pag uwi namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Ezekhiel at nanay Isay. Ginabi na kami sa paglalakad. Nag mano agad kami kay nanay. At nag mano naman sa amin ni Shiena si Ezekhiel.
Sa iisang bahay lang kami nakatira ni Shiena. Si Nixon ay nakauwi na rin aa bahay nila.
"Bakit ngayon lang kayo mga anak? Ano yung nabalitaan ko na pumunta kayo kay Inang Rosa? At ano yang nasa braso mo? Bakit namumula? " Nag aalalang tanong ni nanay Isay.
"Hay naku nay, itanong mo diyan sa isa mong anak na pasaway."
Napakamot ulo naman si Shiena. Siya na nag explain kay nanay lahat ng nangyari habang nag hahapunan kami. Babawasan pa sana yung kwento pero agad ko siya kinokontra pag may kulang sa kinukwento niya.
Humagalpak naman ng tawa si nanay Isay nang mai-kwento ni Shiena lahat ng kagagahan niya.
Matapos namin mag hapunan ay agad na rin ako nag linis ng katawan. Si Ezekhiel naman ang kusang nag linis sa sarili niya. Big boy na daw kasi siya. Tsk.
Nakatira lang kami dito sa maliit na bayan ng sa Siargao. Dito ako napadpad simula nung umalis ako ng hindi nag papaalam kay Khiel at sa pamilya ko.
Si nanay Isay ang nag magandang loob na kupkupin ako. Ganun din kay Shiena. Parehas niya lang kaming inampon. Kahit hindi niya kami kilala ay mas pinili niya pa rin mag magandang loob na tulungan kami.
Wala akong mapuntahan noon at ubos na ang perang dala ko. Ilang araw na akong natutulog sa terminal dito sa Siargao. Basta sumakay lang ako ng sumakay kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Pag dating ko dito sa terminal ay dito na rin kami nagka kilala ni Shiena. Tumakas daw ito sa kanila dahil sa hindi na niya kaya ang pag mamaltrato sa kaniya ng step mother at step sisters niya.
Hanggang sa natagpuan kami ni nanay Isay at sobrang naawa sa kalagayan namin lalo na sakin ng malaman niyang buntis ako. Pinatuloy niya kami sa simpleng bahay niya. Gawa sa bato ang bahay ni nanay na may dalawang kwarto na tag isa kami ni Shiena. Si nanay naman ay sa tindahan na natutulog. Matagal tagal na rin daw siyang naninirahan dito. Wala siyang asawa. May anak daw siya pero hindi niya daw kapiling simula nung baby pa. Nangungulila daw siya sa anak niya kaya kami ni Shiena na lang ang tinuring niyang mga anak.
Napaka bait ni nanay Isay. Naramdaman namin ang alaga ng isang mapagmahal na ina. Hindi niya kami tinuring na ibang tao, ganun din kay Ezekhiel. Mahal na mahal niya ang anak ko. Halos siya na ang nag - alaga sa anak ko mula ng isilang ko. Hindi niya daw kasi iyon nagawa sa anak niya kaya sa anak ko na lang niya binabawi.
Napaka swerte namin kay nanay Isay. Sobrang nag papasalamat kami sa lahat ng naitulong niya sa amin. Siya narin ang nag babantay sa anak ko habang nag babantay sa maliit niyang tindahan. Kami naman ni Shiena ay tindira ng isda at iba pang seafoods sa palengke. Kasamahan din namin si Nixon na nag titinda naman ng karneng baboy, baka at manok.
6 na taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin ang ama ng anak ko. Hindi ko akalain na magiging ina ako sa murang edad pero wala ako pinagsisisihan dun. Kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon ipagpatuloy ang pag aaral, susubukan kong muli para na rin sa future ng anak ko, ng anak namin ni Khiel Maximo. Sana mapatawad pa ako ni Khiel at ng pamilya ko. Aminado ako, nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko at hindi muna inalam ang katotohanan.
Ano pa man ang naging dahilan ni Papa at Mama sa ginawa nila noon, para sa akin mali pa rin yun. Pero mas mali na husgahan ko ang magulang ko lalo na at wala naman ako sa pangyayari. Gusto ko malaman ang buong katotohanan.
Naluluha na naman ako kapag na aalala ko sila. Aminin ko man o hindi, sobrang na mimiss ko na sila. Pinahid ko ang munting luha sa mga mata ko. Tinignan ko ang anak kong natutulog na dito sa aking tabi. Napaka gwapo talaga ng anak ko. Ito ang naging resulta ng buong gabi naming pag gawa sa kaniya. Masakit at nakakapagod, pero worth it.
"Mama loves you so much, Xayden Ezekhiel Guevarra."