“Gabi ka na namang umuwi ah.” Kaagad niyang sabi noong dumating ito sa kanilang bahay. “At, lasing ka pa talaga ngayon, pumunta ka ba sa club?” tanong naman niya sa kanyang anak. “Mom, I need to enjoy this life, saka, si Clover lang naman ang kasama ko.” Napasabi pa nito sa kanya. Napataas naman ang kilay ni Becca sa rason ng kanyang anak. Bumuntong – hininga na lamang siya. “Talaga ba?” tanong naman niya rito. “Mom, I need to rest, love you.” Napasabi na lamang ito. Hindi na niya tinanong ang kanyang anak ngayon, napapaisip na lamang siya minsan, kung talagang seryoso na ito sa relasyon na pinasukan ngayon. Kahit ka – fling nitong mga babae ay hindi niya kilala. Talaga bang seryoso na ito? napatanong na lamang sa kanyang isipan. Lumalalim na rin naman ang gabi. Hindi niya alam kung s

