PROLOGO
Disclaimer:
Hello people out there, first time – I mean, first time kong mag – publish ng Romance genre sa Dreame, marami akong nasusulat na Romance genre but I did not publish it, dahil hindi ko feel ang gumawa at mag – publish, naisipan ko na lang mag – publish, nakatago na ito sa w*****d draft ko but, nah, baka, maging langaw iyan sa dreame, nilangaw nga sa w*****d – so, here it is mapapasubo ako ngayon sa paggawa ng Romance genre, hindi po ito SPG—pero, may SPG ba ito? nakalimutan ko na. Hope you’d enjoy reading these. Mapapasubo ata ako nito. Ang gulo ng author na ito. Please support. Bye.
A/N: Paalala po sa lahat ng babasa, ang mga tauhan at tagpuan sa kwento at pangyayari ay puro kathhang – isip lang po nang isang manunulat, sana’y inyong maintindihan. May grammatical errors man, dahil hindi ako nag – e – edit sa akda kong ito. Maraming Salamat po.
--------------------------------------------------------------------------
Forever? Ano nga ba talaga ang forever? Is it true that, this word "FOREVER" is exist in real life? Or it is just a fantasy that exist only in pocketbooks, novels, comics? Ito na lang ang palaging tanong ni Mariely sa kanyang sarili habang nag – iisip na naman.
She’s a hopeless romantic, always dreaming na makakakita siya ng lalaking kanyang mamahalin. Ang malaking katanungan sa isipan niya.
“Handa ka ba talagang makipag – relasyon, Faith Mariely Abad - Celestial?” napatanong naman sa kanyang sarili.
“No not that question, ito na, ang tanong may magkakagusto ba talaga sa iyo? Tumigil ka sa pagpapantasya sa ganyan, hindi ka nga ligawing babae, dahil isang normal ka lang na babae.” Nagsasalita na naman siya sa harap ng salamin at inaaway ang sarili.
“Saka, My God, inlove ka ba sis? May tigyawat ka na naman. Ang mga nagugustuhan sa mga kalalakihan ngayon, ay iyong maganda, may curves, malaki ang dibdib, matangkad, at maputi.”
“Titigan mo Faith kung qualified ka ba ng standard ng mga lalaki ngayon? Ano?” Tinitigan pa niya ang kanyang sarili sa salamin.
“Hindi di ba? Kaya tumigil ka na okay?” Pinagalitan pa niya ang kanyang sarili.
"Forever? Forever single siguro pwede pa." Napatawa na lamang siya sa kanyang sinasabi kapag nasagi niya sa kanyang isipan ang salitang iyon.
"Kung totoo talagang may forever, sana walang mga bitter!" Dagdag pa niya at napailing nalang na nagsasalita na wala namang kausap. Ito ang ginagawa niya kapag wala siyang magawa kinakausap ang sarili.
She's twenty-one years old fresh graduate at nakapagkatapos ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino.
Nakatapos na lamang siya ng kolehiyo pero hindi parin dumarating ang inaasahan at dreamboy niya.
"Baka lang na-traffic. Traffic pa naman ngayon." Sabi naman niya na tinatawanan lang ang lahat ng iyon.
“Hay, Ely, mag – focus ka na lang sa tatahakin mong pangarap, that you will be the best teacher in the world, tapos, mag – t – take ka pa ng board exam, gaga. Huwag kang ma – distract ngayon, problemahin mo ang board exam mo, okay?” Paalala pa niya sa kanyang sarili.
“You need to focus to your goal, kailangan mo pang asikasuhin ang TOR mo at uuwi ka na rin sa inyo at magsisimula ang dream job mo noon pa. Kaya, ikalma mo iyang pempem mo, mamatay kang virgin. Tanggapin mo iyon.”
Napabuntong – hininga na lamang siya at umalis siya sa salamin, nagugutom na rin siya sa pinagagawa niya.
Siya ang klase na babae na simple-minded, masayahin, madaldal syempre hindi mawawala sa isang guro ang madaldal sinasanay ang so-called "communication skills." Sabihin na natin siya ang babaeng may natural na kagandahan na hindi kaagad makikita sa kanya, hindi rin siya kataasan o kaya'y kinulang sa height, but she have a big heart.
In her twenty-one of existence here on earth, hindi siya nakaranas na may nanligaw sa kanya, sa madaling salita walang pumapansin sa kanya. Maybe because she's not a very attractive woman.
Makikita ko kaya siya? O kaya'y magiging matandang dalaga nalang ako? Napatanong nalang sa kanyang isipan napailing nalang.
Ely, focus. Pinagalitan pa niya ang kanyang sarili, kailangan na niyang maghanda, pupunta siya sa school niya para kunin ang t.o.r dahil marami na rin siyang aasikasuhin.
Hay, ito na nga ang tinatawag nilang realidad sa totoong buhay, well, welcome to the real world. Napasabi na lamang sa kanyang makukulit na boses.