UNANG KABANATA

1256 Words
Nagising na lamang siya sa tunog ng kanyang cellphone dahil may tumatawag sa kanya. Pakapa-kapa niyang hinanap ang kanyang cellphone na nasa drawer lang niya. Isang mata lang ang ginamit niya dahil nasisilaw siya sa liwanag na dulot ng kanyang cellphone. Tiningnan niya ang tumatawag sa kanya. Napabuntong-hininga naman siya at umayos ng upo at naghikab pa ito bago niya sinagot. "Mang," bati niya sa kabilang linya. "Bakit po?" Dagdag na tanong niya. "Kailan ka ba rito uuwi?" Tanong naman nito. "Ma, makakauwi rin ako diyan kapag nakuha ko na ang T.O.R ko." Paliwanag naman niya. "Kailan mo ba 'yan makuha 'yang T.O.R mo?" Tanong na naman nito. "Sa Lunes po." Tipid naman niyang sagot. "Sige, kapag nakuha mo na 'yang T.O.R mo. Magsabi ka lang ha? Para naman mapadalhan kita ng pera para makabili ka ng ticket." Sabi nito. "Ma, sabi ko nga sa'yo sa text kahapon, sapat ang pera ko para makauwi diyan. Kulit talaga ni Mama." Sabi naman niya na nakulitan sa kausap niya. "Hay! Ewan ko sa'yo. Kumain ka riyan!" Utos pa nito sa kanya sa kabilang linya. "Mang! Sige na nga bye po." Masyado na namang makulit ang ina niya, kaya kailangan na niyang ibaba ang tawag at baka saan pa sila mapunta sa pag – uusap. "Ingat, bye." Agad namang in-end call ito. Napabuntong-hininga nalang si Mariely dahil parang bata ang pagtrato ng kanyang Ina sa kanya. Napailing na lamang siya at kumilos, dahil di naman siya makatulog ulit. Makalipas ang ilang araw, agad niyang nakuha ang kanyang Transcript of Records, agad siyang bumili ng ticket para makasakay siya ng eroplano para makauwi rin siya kaagad sa kanilang probinsya. Hindi siya nagpasabi sa kanyang mga magulang, gusto niya itong surprisahin. Napangisi na lamang siya sa kanyang iniisip. Matapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit, ay nagtungo kaagad siya sa airport para rin hindi siya maiwanan ng eroplanong kanyang sasakyan patungo sa kanila. Noon, nagtitiis siyang bumyahe nang malayo para makapag-aral, ang lahat ng kanyang sakripisyo at hirap na maging estudyante ay nabahiran din ng saya dahil gradweyt na siya sa kolehiyo. Ngunit, mamimiss niya lahat na naging estudyante siya. Haharapin na niya ngayon ang mundong puno ng pagsubok, kinakabahan siya na may halong pagka-eksayted. Ang nasa isip niya makatulong siya sa kanyang pamilya. Kahit walang forever ang dumating sa kanyang buhay, basta masaya siyang makatulong sa kanyang mga magulang. Nakatulog na pala siya dahil sa kakaisip sa mga posibilidad na mangyari sa kanya. Kung siya'y maging isa ng professional teacher sa harap ng estudyante niya. Nagising na lamang siya na may nag – announce na malapit na silang mag la – landing, napasilip na lamang siya sa bintana napangiti na lamang siya dahil hindi pa rin ito nagbabago. Masaya siyang nanaog sa eroplano at naghanap ng masasakyan patungo sa terminal bus. Masaya niyang pinagmasdan ang paligid malayo ang kanilang tirahan, kaya matapos siyang sumakay ng bus, kailangan pa niyang sumakay ng motorsiklo. Imbes, sasakay na siya ng motorsiklo patungo sa bahay nila. Nakita niya ang kanyang kapatid na lalaki. Nakangisi sa kanya. Tinaasan lang niya ito ng kilay. Alam niya kayang darating ako ngayon? Natanong sa kanyang isipan noon. Wala naman akong sinabihan na darating ako ngayon ah. Sabi pa naman niya at kumunot ang noo. Nakalapit na pala ang kanyang kapatid at ginulo ang buhok niya, na tumatawa. "Oh, anong nakakatawa?" Tanong naman niyang nakasimangot ang mukha. "Masaya lang ako na dumating na ang bunsong kapatid ko." Sagot naman nito. "Teka nga, bat mo alam na darating ako ngayon?" Tanong naman niya. "Oh? You don't know?" May kinuha ito sa bulsa. Cellphone nito, may tiningnan at pinakita ang status niya kahapon na babyahe siya. “Babasahin ko sa iyo para. Going somewhere, flight ko today, can`t wait to go home.” Talagang binasa pa iyon ng kanyang kapatid na lalaki na napapatawa pa sa kanya. Napa-facepalm na lamang siya. Nakalimutan niya palang nag-update siya ng status kaya alam niya na darating siya. "Bakit ba kasi nakalimutan mo na naman?" Tanong ng kanyang kapatid noong nahimasmasan ito sa pagtawa. "Sorry naman po kuya, kung nakalimutan ko. Excited po kasi ako." Sabi niya at iniwan ang kanyang kapatid at sumakay sa kotse ng kapatid niya dala-dala ang gamit niya. Tumawa ng mahina ang kanyang kapatid na sumusunod sa kanya at pumasok sa kotse para magmaneho. Magkatabi sila ng kuya niya na nasa front seat. Nakasimangot lamang siya kasi palpak na naman ang plano niyang surprisa na gagawin. Namalayan na lamang niya na nabuhay ang makina at umandar na ito. "Patingin ng T.O.R mo ha?" Sabi pa nitong nakatingin sa daan. "Ayoko nga! Pagtatawanan mo na naman ako eh!" Sabi niya at nag-pout ito. "Whatever, kahit anong gawin mo makikita ko parin 'yang T.O.R mo." Tumingin ito sa kanya at ngumisi na may pagkakahulugan. Alam niya kasi ang pag-uugali nito. Masyado kasi itong malapit sa kapatid niyang lalaki. Kaya minsan alam niya kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Ito lang ang kapatid niyang masasandalan niya kapag may malaki siyang problema. Architecture ang kapatid niyang lalaki. Matalino ito, at masasabi niyang pogi ang kuya niya. Napatanong na lamang siya minsan kung talagang magkapatid sila. Dahil hindi naman siya kagandahan. "Nandito na tayo." Untag ng kapatid niya sa kanya. Agad naman niyang nakita ang bahay nila. Agad siyang nanaog at dinala ang gamit niya. Gusto na niyang makita ang mama at papa niya. Dali-dali naman siyang tumuloy. Nakita niya ang kanyang ina na naghahanda ng pagkain. "Welcome home, nak." Salubong na ngiti ang agad nakita niya. "Imbes na kami ang surprisahin mo. Ikaw ang nasurprisa." Tumawa ang kanyang ama. Napakamot na lamang siya at nagmano sa kanyang mga magulang. "Marie!" Tawag na pamilyar na boses. Agad siyang lumingon. Sumalubong kaagad sa kanya ay yakap galing kay Nadia kasintahan ng kanyang kuya na si Gill. "Ate." Sabi na lamang niya. "Namiss kitang bata ka." Sabi ni Nadia at kumalas sa yakap nito. Napakamot na lamang siya noon. "Ate, di na 'po ako bata." Sabi naman niya. "Bata ka pa para sa 'kin." Sabi nito. "Ate naman eh. Pareho lang kayo ni kuya." Tumawa lang ito. Pumasok na ang kanyang kapatid noon. "Halina kayo. Para makakain na si Mariely." Sabi naman ng kanyang ina. Kaunting salo-salo lang pero, masaya na siya. Tiningnan niya ang dalawang love birds sa harapan ang kuya Gill niya at ate Nadia niya. Matagal na itong magkasintahan, saksi siya sa pag-aaway, paglalambingan nito noong high school at college pa siya. Napangiti naman siya. Dahil pinapanindigan nito na may forever talaga. "Kailan ba ang kasal?" Bigla niyang natanong sa dalawa. "Hmm... Kapag maging professional teacher ka na." Sagot naman ng kapatid niya. "Kaya, ayosin mo pagre-review mo para may kasal na magaganap." Sabi naman nitong pabiro. "Wow? Ano 'yun nakadepende sa 'kin?" Tanong niyang pabalang. Napatawa nalang ang ate Nadia niya. "Kasi 'yun ang plano, paano kasi kailangan kang magconcentrate sa pag-re-review mo ayaw ka namin maabala no kasi, gagawin ka naming bridesmaid." Sabi nito. "Grabe naman, okay lang naman sa 'kin 'yun eh." Sabi naman niya. "Eily," tawag ng kanyang kuya. "Huwag ka na muna magka boyfriend, mag-aalaga ka pa sa anak namin." Pang – aasar pa nito sa kanya. "Ang sama mo!" Sinimangutan pa niya ang kanyang kapatid na lalaki. Nagtawanan naman sila noon. Masayang araw na dumating siya ulit sa bahay na puno ng pagmamahal. Madaling gumabi, nagpahinga na siya sa higaan niya. Namiss niya ang kanyang kama. Napaisip siya bigla na masarap sa pakiramdam na muling nakauwi. Home sweet home! Sabi sa kanyang isipan at nakatulog ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD