Nag – aantay siya ng kanyang Ina, dahil sasamahan siya nito na pumunta sa PRC para makarehistro na siya sa pag-rereview niya.
"Ang tagal naman ni Mama," reklamo niya sa kanyang kapatid.
Ginulo lang ng kanyang kapatid ang kanyang buhok. "Hayaan mo na." s**o naman nito. Hindi na lamang siya sumagot at nag – antay nalang.
Kagaya ng napagkasunduan nilang mag – ina ay mag-re-review siya habang nagtuturo sa pribadong paaralan. Tapos na siyang mag – apply limang paaralan ang kanyang ina- apply- an at tapos na rin siyang mag – demo sa tatlong paaralan sa lunes ay susunod na demo niya. Kinakabahan tuloy siya.
Sana naman, kahit isang paaralan ay kwalipikado ako. Dasal sa kanyang isipan. Natanaw niya ang kanyang Ina.
"Tayo na, baka marami ng tao sa PRC ngayon." Sabi ng kanyang Ina.
Malayo – layo ang kanilang pupuntahan ngayon, dahil nasa ibang bayan pa ang kanilang destinasyon. Pagkarating nila doon, hindi pa masyadong maraming tao kaya agad nilang pina – process ang dapat. Totoo ngang nakakapagod para lang maka – take ng board exam bilang isang guro. Kaya isinagurado nilang sa isang araw lang ay matapos na sila para hindi sila pabalik – balik.
Ginabi na sila sa pag – uwi at si Mariely ay pagod na pagod.
Gusto ko ng matulog. Reklamo sa kanyang isipan, agad siyang tumungo sa kanyang kwarto at nahiga. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya, kahit hindi siya nag hapunan.
Nagising siya sa malakas na katok na nadinig niya sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad naman siyang bumangon at dali – daling binuksan ang pintuan, agad namang sumalubong ang mukha ng kanyang Ina.
"Bakit po Ma?" sabi niya at nag –hikab pa.
"Sagutin mo 'yung nasa telepono." Ma – awtoridad ang boses nito.
Nagulat naman siya at napakamot nalang sa ulo. "Bakit po?" tanong naman niyang nagkasalubong ang dalawang kilay.
Bigla siyang hinila ng kanyang Ina palabas sa kwarto. "Huwag ng maraming tanong pa." Sabi nitong hila – hila siya.
Nakita pa niyang nasa telepono si Gill, noong nakita siya, agad siyang sininyasan na pumunta siya. Kumunot naman ang noo ni Mariely at nagtatanong ang mga mata nito.
Pinandilatan siya ng mata ng kanyang kapatid kaya naman agad siyang nagtungo kung saan ang kapatid niya.
"Excuse me, she's here." Sabi pa ng kanyang kapatid at ibinigay ang telepono sa kanya.
Agad naman niyang sinagot ito.
"Hello, this is Faith Mariely Abad – Celestial." Pagpapakilala naman niya sa kabilang linya.
"Hello Miss Faith Mariely Celestial, congratulations, on Monday you can teach in our school St. Joseph Academy."
Nagulat naman siya at hindi siya makapangusap. "Please be early, we have discuss some agreements in our policy, congratulations once again." Patuloy nito
"Thank you so much ma'am." Iyon nalang ang nasabi niya.
"Good day." At agad binaba ang telepono.
Agad naman niyang binaba ang telepono at hindi alam kung ano ang ipapakita niyang reaksyon. Blangko ang kanyang isipan dahil natanggap siya sa trabaho. Biglang may umakbay sa kanya, ang kapatid niya pala.
"Let's celebrate that good news." Sabi nito at ningitian siya.
"Kuya." Yumakap na lamang siya sa kanyang kapatid. Galak ang kanyang naramdaman. Ngayon, natupad na ang kanyang pangarap na makapagturo, kahit walang forever ang dumating sa kanya, dahil gustong – gusto niyang magturo.
Kagaya ng sinabi ng kanyang kapatid ay pinagdiwang nila, dahil natanggap siya sa trabaho, isang salo – salo lang naman ang naganap.
"Ayan ha? Natanggap kana sa trabaho, ang aim mo na naman ngayon ay makapasa sa Exam para may License ka na." Sabi ng ate Nadia niya.
"Oo ate, pag- iigihan ko ang pag-re-review, pagsasabayin ko ang pag – aaral at pag – re –review." Sabi niya na ngumiti.
"Alam kong kaya mo 'yan El." Sabi ng kanyang kapatid na nakangiti sa kanya.
Talagang malaki ang tiwala ng kanyang magulang at sa kanyang kapatid, kaya ayaw niyang biguin ito. Tumungo siya at ngumiti.
Bago siya maidlip. Madami na namang pumasok sa kanyang isipan, kaya hindi siya makatulog kaagad. Hay! Sana kapag nagturo ako, may matutunan sila, hindi lang sa subject na Filipino pati narin sa buhay. Napangiti na lamang siya sa kanyang naiisip. Makatulog na nga!
Madaling sumapit ang Lunes, kagaya ng sabi sa kanya ay maaga siyang pumasok sa paaralan, diritso na muna siya sa office para makausap ang Principal sa paaralan na pagtuturuan niya.
Agad siyang pumasok sa paaralan may nakaupo at agad niyang nahulaan na ito nga ang principal. Abala ito na nakaharap sa laptop nito.
"Good morning Ma'am." Bati niya.
Agad namang nagtaas ang mukha nito. Agad itong ngumiti sa kanya. "Good morning, you are Miss Faith Mariely Celestial?" tanong naman nito.
"Yes, Ma'am." Ginantihan niya ito ng ngiti, hindi siya umupo, hangga't hindi siya pinapa-upo.
Napansin ng Principal na hindi pa siya na- upo. "Take your seat, Iha." Sabi nitong ngumiti sa kanya at tinanguan siya.
"Salamat po Ma'am." Sabi naman niya na umupo na ito. Kaya pantay na sila ng kanilang Principal.
"I am the Principal that assign here, and I'm Mrs. Becca Jordan – Montero. Nice to meet you Miss. Celestial" Sabi nitong inilahad ang kamay.
Inabot naman niya ito at tumungo na lamang siya. "Me too Ma'am." Sabi niya na ngumiti.
Agad naman nilang pinag – usapan ang dapat pag – usapan, ang sahod, pati na rin ang environment nito, pati na ang mga bagay – bagay na pumapatungkol sa paaralan.
"Again, nice to meet you again, pwede ka ng pumasok sa classroom na naka – assign sa'yo." Sabi nito. "This section, is the last section, hope you have a long patience of the students in that classroom." Sabi nito.
Wow, last section pa ang naka –assign sa akin? Makakaya ko kaya? Tanging tanong sa kanyang isipan. Dapat, kayanin ko! Alam kong kaya ko. Sabi nitong ipinapaalala ang kanyang sarili.
May sasabihin pa si Gng. Montero nang bumukas ang pintuan. Agad naman niyang nakita ang isang lalaking gwapo, para bang ayaw ng matanggal sa kanyang paningin ang anyo nitong makisig na pangangatawan at ang postora nito.
Napansin nakatingin na siya rito. Kaya agad niyang binawi ang kanyang tingin. Tumayo siya "Pupunta na'po ako sa classroom Ma'am, maraming salamat po." Sabi nito.
Tumungo lang ang Ginang. "Miss Celestial, congratulations. Teach them with a heart."
Napangiti na lamang siya sa sinabi ng kanyang bagong Principal. Tumungo siya, nagkasalubong naman sila ng tingin ng lalaki. Nakatitig pala ito sa kanya na para bang kinikilatis siya. Hindi niya pinansin ito at lumabas kaagad sa opisina. Naglakad na siya patungo sa classroom at siya ang adviser nito. Huminga siya nang malalim. Pupunta na muna siya sa Faculty nila para, ilagay ang kanyang gamit at tutungo na siya sa silid – aralan kung saan, magsisimula na siyang magturo.