Nakarating na si Mariely sa Faculty Room. Tahimik ang lahat siguro nasa klase na ito. Agad naman niyang nakita ang table na vacant.
"Ikaw ba ang bagong guro ng 3rd year section D?" Nagulat siya sa biglang pagsulpot ng babae sa harapan niya. Napatango na lamang siya.
"Ah, sorry nagulat yata kita." Ngumiti ang babae sa kanya at napakamot nalang sa ulo.
"Ako nga pala si Veron Camille Ronda." Saad nitong inilahad ang palad nito.
"Ah, Faith Mariely Celestial." Agad siyang nakipagkamay sa kanyang kausap na ngumingiti.
"Samahan na kita patungo rin ako eh, magkakapit - bahay lang ang classroom natin." Sabi ni Veron
"Salamat Veron. Malaki kasi ang paaralan na'to at baka maligaw pa ako." Sabi niya napangiti.
Napatawa nalang si Veron at sabay nga silang pumunta sa classroom.
Habang patungo sila sa classroom ay nagkwentuhan naman sila. Magaan ang loob niya kay Veron at nalaman din niyang bago rin itong guro na kagaya niya at Fresh Graduate. Isa itong English major na kagaya rin niyang nagtatrabaho at nagre-review.
Bago na muna sila maghiwalay ay may sinabi si Veron sa kanya. "Mariely, kahit maingay at pasaway ang section D, kailangan parin nila ng guro na umiintindi sa kanila." Sabi nito at ngumiti sa kanya.
Tumango na lamang siya at ngumiti kay Veron na section C rin. Bago na muna siya pumasok, ay huminga na muna siya nang malalim.
Kahit hindi pa siya naka - abot sa silid - aralan ay abot na sa labas ang ingay ng estudyanteng tuturuan niya at magiging adviser siya.
Agad siyang pumasok. Laking gulat niya na may nag - aaway na at nagsusuntukan. Huminto ang mga estudyante na tiningnan siya ng ilang segundo. Wala man lang good morning ang bumati sa kanya. Bumalik na naman ang ingay at nagpupustahan pa kung sinong mananalo sa suntukan..
Diyos ko! Bigyan niyo po sana ako ng mataas na pasinsya sa mga pasaway na ito. Dasal sa kanyang isipan.
Hindi na niya nilagay pa ang kanyang mga gamit at agad humarang sa mga nag - aaway.
***
"So, 'yun ba ang bagong guro rito?" Tanong ng lalaki ni Becca.
"Yes, she is, fresh graduate pa iyon." Sagot naman ni Becca sa kaharap niya. "So, what are you doing here again, son?" Tanong nito sa lalaki.
"Oh, nothing," umupo ito sa vacant seat. "Bawal bang bumisita sa Ina ko rito sa school?" Tanong naman nito.
"Kilala kita Zean Frank Jordan Montero. What are you doing here?" Sabi ng kanyang Ina na tinitigan siya ng seryoso. Kapag binanggit nito ang kompleto niyang pangalan, ay hindi ito nabibiro.
"Woah, Mom, calm down." Sabi niyang naka hands - up.
Tinaasan lang siya ng kilay ng kanyang Ina.
"Seriously, pumunta lang ako rito. Para makilatis 'yung bagong na hire." Sabi niya.
"Then?" Tanong ng kanyang Ina na nasa papel nakatingin at abala ito sa pag - arrange ng mga papeles nito sa lamesa.
"Naniniwala parin ba kayo na mapapabago niya ang mga estudyante rito?" Direkta niyang tanong sa kanyang Ina.
Nagtaas ito ng mukha. Hindi ito nagsalita parang hinihintay siyang magsalita pa.
"Sa panahon ngayon, kahit guro man, ay nangangailangan ng pera. I don't believe what you'd want to believe. Believe me, it's a waste of time and effort." Sabi niya sa kanyang Ina.
"Iba na mga kabataan ngayon, di kaagad 'yan mababago." Dagdag niya.
"Are you done?" Sabi nitong hindi pinapansin ang sinasabi niya.
Bumuntong - hininga na lamang siya.
"Yeah, bye Mom, I have a work to do." Sabi niya at lumabas sa office ng kanyang Ina.
Simula ng naging Principal na kanyang Ina ay abala na ito palagi. Naiintindihan niya ito. Dahil bilang isang guro, di matapos - tapos ang gawain ng kanyang Ina.
Really, he respect his Mom as a Professional Teacher, simula bata pa siya, kahit abala ito sa pagtuturo, ay hindi nito kinaligtaan ang tungkulin nito bilang isang Ina sa kanya.
But for the new generation of teacher, ewan niya lang and the new generation of students.
He hates the teaching profession, one thing is di umuunlad ang buhay o kaya hindi yumayaman sa pagtuturo. Except to his mother, dahil isinilang siyang nakahiga na siya sa pera.
Napabuntong - hininga na lamang siya. Tuwing may dumadaang guro sa harapan niya. Nawawala ang pagiging guro nito at bumalik sa pagiging teenager. Girls are always girls. Sabi sa kanyang isipan at napapailing nalang.
Pero 'yung bagong nakapasok sa paaralan, interesado siya rito. Inaamin niyang, walang ka dating - dating ito sa kanya. Pero, alam niyang iba ito sa mga babaeng nakakasama niya.
Hmm... Let see. Tanging nasabi sa kanyang isipan. Nakalabas na siya sa gate at agad pinatakbo ang kanyang sasakyan.
***
"Magsitigil na kayo!" Sigaw niya sa klase noong humarang siya sa dalawang nag -aaway. Kahit takot man siya ay kailangan niyang gawin. Gusto na niyang mahimatay sa mga estudyante niya.
Naging tahimik ang klase. Nakahanap siya ng panahon para paglayuin ang nag - susuntukan. Dugo na ang ilong ng isa at sabog na sa pasa ang mukha ng isa. Napansin niya na aakma ulit itong susuntukin pero pinigilan niya.
Huminga siya nang malalim at nagsalita at tiningnan ng matalim na tingin ang dalawang nag -aaway.
"Pwede niyo bang sabihin sa 'kin kung bakit kayo nagsusuntukan?" Tanong niya ng mahinahon ang boses.
"Eh? Sino kaba?" Barumbadong tanong ng isang estudyante na nakaupo sa upuan at tiningnan siya.
Patience El, patience... Paulit - ulit niyang sabi sa isipan at sinagot ang katanungan ng estudyante.
"Bago ako magpakilala sa inyo, magsi-upo kayong lahat." Tiningnan niya ang buong klase. May naasar naman sa kanya subalit sumunod sila sa utos niya. "At kayong dalawa," binalingan niya ang dalawang nagsusuntukan. "Mag - usap tayo mamaya. Bumalik na kayo sa upuan ninyo." Sabi niya.
Nakita pa niyang nagtitigan ang dalawa at alam niyang ilang segundo ay mag - aaway na naman ito.
"Balik." Sabi niya sa dalawa at sinipatan sila. Agad namang tumalima ang dalawang nagka - initan.
Pinulot niya ang kanyang mga gamit at pumunta sa harapan. Tahimik ang lahat na pinagmamasdan siya kung kailan siya magsasalita.
Tumikhim na muna siya. "Bago ang lahat, ako magiging adviser ninyo rito." Sabi niya sa mga estudyante.
Matapos niyang sabihin iyon ay may narinig siyang tawa. Galing iyon sa lalaking nagtanong sa kanya na walang galang kanina at sunod - sunod ang tawanan.
"Guys, may bago na naman tayong papaiyakin na teacher at magreresign at were free again!" Saad ng isa na iba ang ayos.
"Do you think you can handle us?" Tanong ng isang lalaki na nag - smirk sa kanya.
Biglang tumaas ang dugo niya dahil sa tanong ng kaharap niya. Napansin niyang kaunting mga babae sa klase mga sampu, at may umiling na babae sa kanila na halatang natatakot.
Huminga siya ng malalim.
"Siya nga pala ako pala si Ms. Faith Mariely Abad - Celestial Ako ang magiging homeroom teacher ninyo simula ngayon." Hindi niya sinagot ang katanungan ng lalaki.
"So? Ngayon, wala na muna akong Rules and Regulations sa inyo. Your free what you'd do. But, kapag nakabuo na ako ng Rules and Regulations. Make sure to follow it." Sabi niya na tiningnan ang buong klase.
"Let see how tough our new teacher is, sino sasali?" Sabi ng isa.
Napailing na lamang siya. "Bago ang pustahan ninyo diyan. Magsisimula na ako sa klase. Nga pala Filipino Major pala ako."
Ngumiti siya ng makahulugan sa kanyang mga estudyante.
"Ugh! Filipino." Rinig niyang sabi ng kanyang mag - aaral.
Masubukan nga natin. Sabi sa kanyang sarili.