Hay! Diyos ko! Ang barumbado ng mga kabataan ngayon. Napasabi na lamang niya sa kanyang isipan, habang bumabalik sa faculty room, dahil recess time iyo sa mga bata. Umupo na lamang siya at nag-isip ng magandang plano, magandang rules para sa kanya at para sa kanyang mga mag- aaral.
"Faith, okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Veron noong recess time ng mga mag-aaral. Habang inilalagay ni Veron ang mga gamit nito at umupo sa kanyang table.
Bumuntong - hininga si Mariely at umupo rin sa kanyang table at nahalumbaba.
"Okay lang ako, di ko naman iyon susukuan ang mga batang pasaway na iyon. Palaban kaya to!" Sabi pa niyang masaya at pinakita na kayang - kaya niya.
Napatawa na lamang si Veron sa kanya.
"Kaya lang, paano ko gagawin ang mga rules and regulation na hindi sila masasakal?" Bigla nalang niyang natanong.
"Hay!" Nagbitiw siya ng mahabang buntong - hininga.
Bigla siyang tinapik ni Veron. "Alam ko na kaya mo iyan Faith. Makakaisip ka rin ng magandang rules." Sabi nito na kinindatan pa siya.
Tumunog na ang bell, at hudyat na magsisimula na ang klase at tapos na ang recess time ng mga mag-aaral.
"Tara, sabay na tayo, sa Pilot Section ka ba ngayon?" Tanong ni Veron.
Napatango na lamang siya.
Kagaya ng sinabi ni Veron, ay nagsabay naman sila patungo sa kani-kanilang klase.
Pagpasok pa lamang sa Pilot Section ay agad na tumahimik ang mga bata at kanya- kanyang bumalik sa upuan.
Huminga siya nang malalim. Nag-antay lang ang mga mag-aaral kung ano ang kanyang gagawin.
Tumikhim na muna siya, dahil parang may bumabara sa kanyang lalamunan.
Bago siya nagsalita ay binigyan niya ang kanyang mga mag-aaral ng isang ngiti.
May iba naman na ngumiti rin sa kanya. Kagaya ng isang bagong guro ay ipinapakilala niya ang kanyang sarili, pati na rin ang mga mag-aaral ay kinikilala niya isa -isa.
May aktibidad silang ginawa para naman ganahan ang kanyang mga mag-aaral na makinig sa kanya.
***
Nakita niya ang kanyang kapatid na abalang - abala sa pagsusulat, at panay buntong - hininga. Dahan - dahan niya itong linapitan, para hindi siya maka disturbo sa kanyang kapatid.
"Hey," sabay halik nito sa noo. "Ang busy ng bunso ko ah." Mahinang tinapik ito sa likod.
"Kuya, ikaw pala." Ngumiti ito sa kanya. Agad nitong ibinalik sa paggawa nito na nakahalumbaba at malalim ang iniisip.
Umupo si Gill sa tabi ng kanyang kapatid. "Say, kwentuhan mo nga si kuya sa first day ng work mo." Sabi niya.
Nag-pout ito sa kanya.
"Oh, bakit?" Alam niya kasi kapag nag-pouty lips ito sa kanya ay hindi maganda ang araw nito. Mahina siyang napatawa, dahil para pa rin itong bata kapag kinakausap niya.
Napakamot na lamang ito sa ulo.
"Marami bang learning plan ang gagawin, Ely?" Una nitong tanong kay Mariely "Oh, kaya'y, maraming paghahandaan na Instructional Materials ang kailangan gawin?"
"Wala sa dalawa kuya!" Nakasimangot nitong sagot.
"Ay, mali pala ako ng hula. Sabihin mo na 'yan."
"Eh, kasi po kuya, nasa last section po ako naging adviser, alam mo kuya, ang mga bata roon, sobrang pasaway, nagbasagan nga ng ulo kanina eh." Sabi nito sa kanya.
Siya rin naman ay hindi nakapaniwala sa sinasabi ng kanyang kapatid ngayon. Ibang -iba na nga ang mga kabataan ngayon. Nasabi na lamang niya sa kanyang isipan.
"Pagkatapos po, pinagpupustahan po ako kailan ako magbibitiw sa tungkulin ko na maging adviser sa kanila. Saklap!" Napa - iling na lamang si Mariely noon matapos itong magkwento sa kanya.
"Magbitiw ka na lang kaya." Tiningnan niya ito nang mataman, napataas rin ito ng kilay.
"Nagbibiro ka kuya?" Tanong nito.
"I'm not joking here Ely, iniisip ko lang kalagayan mo na ang mga mag-aaral na tuturuan mo ay barumbado, baka mapahamak ka pa dahil diyan." Tiningnan niya ito nang mataman. Alam rin naman niya na mahirap ang maging isang guro, responsibilidad ng guro ang may matutunan ang mga bata sa eskwela.
Pero, kung papairalin niya ang pagiging nakakantanda niyang kapatid, mas pipiliin pa niyang nasa bahay ito para di mapahamak ang kapatid niya.
Talaga namang tutol siya noong nag kolehiyo ito na kukunin ay ang propesyon ng pagiging guro. Pero, nagmakaawa ito sa magulang nito at sa kanya na magiging guro siya. Kaya naman, sinuportahan nila si Mariely kung anong ibig nito na propesyon.
"Kuya naman! Kaya ko po kuya." Sabi nitong nagpabalik sa kanya na nag-uusap pa pala sila.
"Talagang kaya mo ha?" Sabi nito.
"Oo naman, ginusto ko itong propesyon na ito kuya, kaya gagawin ko ang tungkulin ko bilang isang guro sa mga nangangailangan ng tulong na mga bata, na gumagabay rin sa kanila." Sabi nito na ngumiti sa kanya.
Nagkibit - balikat na lamang si Gill, at mahinang tumango. Ginulo nalang niya ang buhok nito. "Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako." Sabi niya.
Tumango ito sa kanya. "Huwag masyadong mabait ha? Baka abusuhin ka niyan." Paalala niya sa kanyang kapatid.
Mahina lang itong tumawa "Kuya naman, strict kaya akong teacher."
Napatawa na lamang siya.
"Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ni Gill kay Mariely.
"Ah, rules po kuya, nag -iisip ako kung ano ang magandang rules na fit sa pag-uugali nila na kailangan nilang sundin para mapabuti ang pag-uugali, at saka 'yong hindi sila nasasakal at pantay - pantay lahat." Mahaba nitong sagot sa kanya.
"Sandali lang magbibihis lang ako, tutulungan kitang mag -isip ng magandang rules." Sabay halik sa noo nito at ginulo ang buhok.
Agad siyang pumasok sa kanyang kwarto.
***
Katulad na ipinangako ng kanyang kapatid ay tinulungan nga siya. Alam kasi ni Mariely na istriktong kapatid si Gill sa kanya, pero ito lang ang kanyang madaling lapitan at kakampi niya palagi.
Alam naman niya na tutol talaga si Gill sa kinuha niya noon, subalit dahil hindi siya natitiis nito ay sinuportahan siya at hindi siya iniwan na nag - iisang kuya niya sa lahat ng laban sa buhay niya.
Noong natapos nila ito ay agad siyang nagpasalamat sa kanyang kapatid.
"Thank you kuya!" Ngumiti siya nito.
"You are always welcome, Sis." Sabi nito. "Matulog kana, maaga pa pasok mo bukas."
Agad siyang tumango.
Umaga, inihatid siya ng kanyang kapatid sa paaralan.
"Bye kuya." Sabi niya na pababa sa kotse ng kanyang kapatid.
"Bye, Ingat, sis." Sabi nito.
Tumango lamang siya at ngumiti at nag - umpisang maglakad. Kilala niya ang kapatid niya, di ito umalis hangga't di siya nakakapasok sa paaralan.
Agad siyang nakapunta sa Faculty Room at inaayos ang gamit niya.
"Oy, inihatid siya ng boyfriend niya oh." Bati sa kanya ni Veron.
"Boyfriend ka diyan, kuya ko iyon no!" Sabi niya at napatawa.
"Really? Ang gwapo ng kuya mo ah, may girlfriend na ba iyon?" Tanong naman nito.
"Oo, engage na nga iyon eh." Napatawa na lamang si Mariely sa reaksyon ni Veron.
Napansin niya ang I.D ng kanyang kapatid.
"Sandali lang ah, ihahatid ko lang ito." Pagpapa-alam niya.
Tumango lang si Veron noon.
Baka di pa iyon nakaalis. Sabi niyang nagmamadaling makalabas sa gate.
Buti di pa ito nakaalis. May kausap itong tao na nakatalikod sa kanya.
"Kuya!" Sabay niyang takbo patungo sa kanyang kapatid.
"I.D mo po kuya, naiwan mo." Sabi niyang hinihingal.
"So, she's your sister, Nathan." Sabi ng kausap nito.
Agad niyang tiningnan ang nagsalita, naalala niya ito kahapon.
Magkilala sila ni kuya? Tanging natanong lamang niya.