IKALIMANG KABANATA

1247 Words
"Ely," tawag ng kanyang kapatid. Tiningnan naman niya si Gill, na halatang seryoso ang boses nito. "Pumasok ka na, maraming salamat sa paghatid sa Id ko." Sabi nito, na ngumiti sa kanya. "Opo kuya." Sagot naman niya, binabalewala nalang niya ang lalaki sa harap. Nag-umpisa na siyang humakbang pabalik sa paaralan, dahil malapit na rin ang bell at baka ma-late pa siya, nang bigla siyang tinawag ng kanyang kapatid. "El, susunduin kita mamayang hapon." Sabi nito. Tumango na lamang siya at ngumiti na lamang siya noon. "Sige po." Agad siyang naglakad papalayo sa dalawang lalaki. Halatang seryoso ito sa pag - uusap kanina. Sana naman hindi ako nakaabala kay kuya. Tanging nasabi na lamang niya habang siya'y naglalakad pabalik sa kanilang paaralan. Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan kung bakit kilala ng kapatid niya ang lalaking pumasok sa office kahapon. Hay, El pumasok kana may mga makukulit kapang bata na kailangan ka. Dikta sa kanyang isipan. Agad siyang nakarating sa faculty room at kinuha ang libro at ibang kasangkapan para sa kanyang pagtuturo. "Faith, may rules ka na bang nabuo?" Tanong ni Veron sa kanya habang sila'y naglalakad patungo sa kanilang mga silid-aralan na naka -assign sa kanila. "Ah, oo meron na akong nabuo, sana maging effective." Napakamot na lamang siya at ngiting tipid ang ibinigay ni Mariely sa kanyang kausap. "Effective 'yan." Sabi naman ni Veron na pinapalakas ang kanyang loob. "Salamat Veron." Ito lang ang kanyang sinabi noong papasok na siya sa silid -aralan ng kanyang tuturuan. Hindi pa siya naka -uniporme dahil bago pa lamang siya na guro. Ang sabi ng kanilang principal na sa dalawang linggo ay kailangan na niyang mag -uniporme. Kagaya kahapon ay maiingay parin ito pero hindi na ito nagsusuntukan. May nakita siyang baraha, naglalaro ito ng sugal kahit nasa paaralan ito. Napabuntong -hininga na lamang siya at hinayaan muna niya ito. Parang hindi man lang siya napansin ng kanyang mag -aaral. May kalat na mga papel sa sahig, madumi ang sahig at ang mga upuan ay hindi na-arrange. Huminga siya nang malalim. Pinaka-ayaw niya sa lahat ay magulo ang classroom, kulang sa classroom management, ayaw niya ng magulong paligid na classroom. Noong nakarating na siya sa teacher's table sa harapan, kahit ayaw niyang gawin ay kailangan niyang gawin ang paghampas ng blackboard para makuha ang atensyon ng kanyang mag -aaral. Hindi naman siya nabigo sa pagkuha ng atensyon nito. Agad itong tumingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya at nag- cross arm siya. "Magandang umaga." Bati niya sa lahat ng mag -aaral. "Anong maganda sa umaga?" Tanong nitong pamimilosopo sa kanya. Ngumiti siya ng sarkastiko sa mag -aaral na sumagot sa kanya. Nilapitan niya ito sa kanyang upuan. "Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong niya na mahinahon ang boses. "Wala akong pangalan." Sagot naman nito. "Okay, " naglakad siya papalayo noon "No name." Sabi niya. May ibang naghigikhikan sa kanyang mga mag-aaral. "Kapag tinanong ko kayo sagutin ninyo ako ng tama." Sabi niya sa mga mag -aaral. "Rule number 2 iyan." Agad niyang idinikit ang rule sa blackboard. "Tsk, just follow your rules. Wala kaming rules na sinusunod rito." Sabi naman ng isa na sumagot sa kanya. "No name right?" Parang wala siyang narinig sa pinagsasabi nito. Kailangan niyang magmatigas para madisiplina niya ang kanyang nasasakupan. "Hindi no name ang pangalan ko. Richmond." Sabi nito. "Okay, akala ko wala kang pangalan, Iho." Sabi niya. "Rule No. 1, Respitohin ninyo ang mga tao rito, hindi lang ako,hindi lang ikaw, kundi tayong lahat ay kailangan may respeto." Sabi niya. "Eh kung ayaw namin? Anong magagawa mo?" Tanong nito ng isang lalaki na nakahikaw ng itim at naka sumbrero pa, hindi maayos ang uniporme. Lumapit si Mariely "Syempre may magagawa ako, Iho. Ayusin mo 'yang uniporme mo at tanggalin mo 'yang sumbrero pati 'yang hikaw mo." Utos niya sa mag -aaral. "Gusto mo ako pa mag - ayos sa uniporme mo?" Ngumiti pa siya sa mag -aaral. Kahit ayaw gawin ng mag -aaral ay ginawa niya ang inutos nito. "Rule no.3 Kapag nagsasalita ako sa harapan ay walang makisawsaw at kung may nais kayong sabihin ay itaas lang ang inyong kamay." Nakita pa niyang may nag roll-eye sa kanya. Hinayaan na lamang niya iyon. "Rule no. 4, Bawal maglaro ng mga baraha o anumang larong sugal sa paaralan at sa classroom." Kinuha niya ang baraha sa mga naglalaro, na nanahimik lang sa tabi - tabi. "Rule no.5, Bawal gumamit ng mga gadgets habang nasa klase." "Itago mo 'yang Cellphone mo Iho. Baka di na iyan makabalik sa iyo." Sabi niya na tiningnan ang estudyante na naglalaro sa kanyang cellphone. Sinipatan pa siya at agad tinago ang cellphone. "Rule no. 6, Bawal makipag- basagan ng ulo sa paaralan at sa classroom." "Rule no.7, Dapat kayong matutong maglinis sa classroom, bawal ang makalat, bawal ang maraming alikabok, dapat malinis." "Rule no. 8, Huwag maingay sa classroom kapag walang guro, dahil nakakadisturbo kayo sa kalapit - na silid - aralan." "At panghuli Rule no.9, Be Happy." Ngumiti siya nito. "May katanungan ba?" Tanong niya nito. "Wala, ang weird ng mga rules ninyo." Nagtawanan na naman ang mga kaklase nito. Bumuntong - hininga siya at bumalik sa harapan. "By the way, may nakalimutan pala ako." Sabi niya na tiningnan ang mga mag -aaral. "Isa sa mga rules na nilabag ninyo diyan, ay may kaakibat na mga magagandang punishment, well excited nga ako sa mga lalabag eh. Every friday lang naman. Ililista ko mga pangalan ninyo rito sa mahiwagang kwaderno ko." Ngumiti siya habang nagsasalita sa kanyang mag -aaral. "Wala namang tutol, magsisimula na tayo sa klase." Hindi nalang nag- react ang mga estudyante sa kanya. Natatakot siguro na may matanggap na punishment. Pero, alam niyang hindi sapat ang mga rules para magtino ang kanyang nasasakupan. Kailangan niyang maging matatag, dahil kung susuko nalang siya basta - basta ay baka di na maituwid ang mga ugali ng mga kabataan, o kaya kailangan niyang gumawa ng hakbang para makilala niya nang lubusan ang kanyang mga mag-aaral. Kagaya ng sinabi ni Gill ay sinundo siya nito. "Kuya, kanina kilala mo ba ang lalaking 'yon?" Bigla niyang tanong sa kanyang kapatid. Tiningnan lang siya nito at mahinang napatawa. "Seriously El, ang dali mong makalimot ng tao ano?" Tanong nito sa kanya. "Ha?" Iyon lang ang nasabi niya dahil naguguluhan siya sa sinabi ng kanyang kapatid. "Okay, clue. Siya 'yong lalaking sinabihan mo noon na masama ang ugali." Sabi ng kanyang kapatid at nasilayan ang ngiti na nagpipigil sa pagtawa. Agad niyang natandaan ang taong sinabihan niya na masama ang ugali. "Ah, 'yong kaklase mo noong high school na pinaiyak ako at sinabing iyakin ako. Anong pangalan 'nun?" Tanong niya na nag -cross arm. "Di mo na matandaan?" Tanong na naman ng kanyang kapatid. "Anak siya ng principal ninyo no. Si Mrs. Becca Jordan Montero." Sagot naman ng kanyang kapatid. Doon nagulat siya. "Anak siya ni Ma'am Becca?" Tanong naman niya. Tango lang ang sinagot ng kanyang kapatid. "Di mo pa rin matandaan ang pangalan?"' Tanong nito sa kanya na nakatingin sa daan. Umiling na lamang siya, dahil anong isip niya ay di na niya talaga matandaan. "Well, mas mabuting hindi mo na matandaan ang pangalan na iyon." Biglang sabi ng kanyang kapatid. Napatingin na lamang siya sa kanyang kapatid noon na nagmamaneho at seryoso ang mukha nito. Di na lamang siya nagsalita. Alam rin niyang hindi close ng kanyang kuya ang kaklase niya noong high school. Tahimik na lamang siyang tinitingnan ang mahabang linya ng sasakyan dulot ng traffic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD