IKAANIM NA KABANATA

1231 Words
Nasa kwarto si Mariely nang may kumatok sa kanyang pintuan. Agad niyang pinagbuksan ang taong kumakatok sa kanyang kwarto. "Oh, kuya? Bakit po?" Agad niyang tanong. "Wala lang gusto kang makausap ni Mama." Sagot naman nito. "Sige po kuya." Sabi niya. "El," mahinahong tawag ng kanyang kapatid. "Po?" Tanong niya na sinusundan siya sa sala kung saan nag-aantay ang kanyang Ina. "Huwag kang masyadong ma -pressure ha? Wala kaming hinihiling sa iyo na maging topnotcher ka sa board. Ang sa amin lang do your best okay?" Sabi ng kanyang kapatid. Ngumiti lang siya. "Kuya talaga." Tumango na lamang siya. "At saka Sis, kung hindi man makapasa ay huwag ma-depress, okay ba iyon?" Tanong nito sa kanya sabay gulo ng buhok. "Susubukan ko pong hindi ma-depress." Mahina siyang tumawa noon. "Higit sa lahat, time management okay?" Tumango lang siya noon "Yes po." "Mang." Tawag niya sa kanyang Ina. "Oh, kumusta ang dalawang araw na pagtuturo?" Tanong nito matapos siyang yakapin nito. "Okay lang Ma, nakakapagod pero fights lang naman eh." Tumango lang ito. "Sa sabado na ang first review mo nak, kaya ba?" Tumango siya "Kakayanin po." Sagot naman niya. "Basta ha, huwag kang ma-pressure okay? Relax lang lagi okay?" "Opo mang, nasabi na po iyan ni kuya." "Ganoon ba? Reminder lang 'yan sa'yo alam mo namang nandito lang kami palagi sa'yo diba?" "Oo naman." Napangiti na lamang siya noon. "Unti - unti mo ng naaabot pangarap mo El. Iyon nga lang baka tumanda kang dalaga niyan." Biro ng kanyang ama. Napatawa na lamang siya noon. "Pa, mas gusto ko pang maging matandang dalaga 'yan kaysa mag -asawa." Sagot naman ni Gill noon na naka -cross arm pa. "Nathan, hayaan mo naman 'yong kapatid mo. High School to College walang nanliligaw dahil takot ang manliligaw ni El sa'yo. Higit sa lahat, hayaan mo na ibang lalaki ang mag - alaga sa kapatid mo." Sabi ng kanyang Ina. "Ma, hindi ko po iyan basta - bastang ibibigay 'yong kapatid ko no." Sabi naman nito. "Kuya," pinipigilan niyang huwag tumawa. "Huwag kang mag - aalala wala namang nanliligaw sa 'kin, at saka kuya di kaya ako ligawin. Di ako maganda kuya." Sabi nitong nagbibiro. Bigla siyang binatukan ng kanyang kapatid. "Sinong nagsabi niyan na hindi ka maganda? Bulag lang ang makapagsasabi niyan." "Sus itong kuya ko oh, napaka -supportive." Yumakap na lamang siya sa kanyang kapatid. "Kuya, kalma ka lang, ganyan ka, kasi malapit ka ng ikasal. Pero kuya ha, ako pa rin ang little sister mo diba?" Tanong nito, minsan lang siya maglambing sa kapatid niya. "Yeah, your always be my little sister." Yinakap naman siya nito at hinalikan sa ulo. "Kaya nga di ako papayag na saktan ka ng mga lalaking gustong manligaw sa'yo." Sabi nito. "Makakatikim talaga sila ng suntok sa 'kin, di nila alam kung paano kita inalagaan at minahal. Patawarin sana ako ng Panginoon kapag dumating iyon na sinaktan ka." Humigpit ang yakap nito sa kanya. Nagpa-ubaya na lamang siya, dahil baka di na siya mayayakap ng kanyang kapatid na ganoon kahigpit lalong - lalo na malapit na itong magkaroon ng sariling pamilya. "Kuya. Ikaw talaga ang the best na kuya." Sabi niya. "Alam ko iyon. Sis." Kinurot nito ang pisngi. "Huwag kang mag - aalala, nandito palagi si kuya kahit may pamilya na ako. Welcome kang pumunta at syempre aalagaan mo pa ang mga pamangkin mo." Sabi nitong nagbibiro. Napatawa na lamang siya. "Masyado kang tipid kuya, ang sabihin mo ako ang magiging yaya ng mga anak mo." Tumawa na lamang ito. "Halina kayo. Tama na 'yan. Matagal pa 'yang kasalan na iyan. At saka, 6 months pa iyon." "Kayo talagang magkapatid. Kumain na nga kayo." Nagtawanan na lamang sila ng kanyang kapatid. Inakbayan siya nito patungo sa hapag para kumain na. *** "Mom," bati niya sa kanyang Ina na subsob na naman sa trabaho. "Aga mong umuwi ngayon, akala ko ba pupunta kayo ng bar ni Clover?" Tanong nito. "Nah, nagsawa na iyon sa kakainom at kung sinu -sinong babaeng nakaka - fling." Sagot naman nito. "Where's Dad?" Tanong naman niya. "Out of town Dad mo for their business." Sagot naman nito. "How many days their out of town?" Tanong naman niya. "I think three days." "Oh." Sabi naman niya. "Zean, huwag ka ng pumunta sa office ko, okay?" Biglang sabi naman nito. "Why?" Tanong naman niya. "Oh, alam ko kung bakit ka pumupunta sa office o sa paaralan,dahil naghahanap ka ng paglilibangang babae." Sabi naman nito. "Grabe Mom, I'm not like that, sila lang kasi interesado sa akin Mom." Sabi pa niya. "Yeah, whatever ayosin mo 'yang buhay mo Zean, marami ka ng babaeng napaglaruan at sinaktan mo." Sabi naman nito. "Tsk, ikaw lang 'yong love kong babae Mom." "Bolahin mo ang kalabaw, nak."' Tinawanan na lamang siya. "By the way Mom, kilala mo pa ba si Nathan Gill Celestial" Tanong niya. "Yeah, kaklase mo 'yon ng high school di ba? May bunsong kapatid na babae na overprotective sa kapatid niya. But he's a successful as an architect." Sabi naman nito. "Yup, nagkita kami ni Nathan, as usual mainit pa rin ang dugo niya sa akin." Napatawa nalang siya ng bahagya. "Mainit ang dugo niya sa'yo dahil magkaiba kayo ng pananaw." "Kapatid niya 'yong bagong teacher na tinanggap mo kahapon." Bahagya namang nagulat ang Ina niya. "Really? Si Faith Mariely ba?" Tanong niya. "Iyon ba pangalan niya?" Sabi niya. May kinuhang documents at may hinanap. "Yes, Ah kaya pala, magkapatid nga sila. They have a resemblance." Siya naman ay tumingin at tinitigan ang picture ni Mariely. "Di ako makapaniwala na kapatid niya iyan. Wala siyang ka dating - dating Mom, while his brother nag - uumapaw ang s*x appeal." Napatawa na lamang siya. "Well, sa una nga na wala siyang ka dating - dating but she's beautiful she have a natural beauty. Kinulang siya sa s*x appeal but I like her beauty." Sabi naman ng kanyang Ina. "Natural beauty ha? Papasok na muna ako sa kwarto Mom." Pagpapaalam niya sa kanyang Ina. Tumango lang ito. Agad siyang naghubad ng damit at nagbihis. Faith Mariely huh? Banggit sa kanyang isipan. Nag -smirk lamang siya sa kanyang naisip. Nakilala niya ito noong 2nd year high school pa ito. Hinihintay ang kapatid niya sa labas ng kanilang school. Dalawang taon ang agwat nila, 4th year high school siya noon. Si Nathan ang pinaka - suplado sa kanila. Suplado pero may kabaitan naman. Nagkakilala sila noon dahil pinapasok ni Nathan ang kanyang kapatid dahil may ginagawa pa ang kanyang kapatid. Ang hindi lang malilimutan ni Zean ay sinabihan siya na masama ang ugali, mayabang at mapanglait. Nakita niya sa mga mata nito na galit ito. Palagi niya kasi itong sinasabihan na iyakin at kuya's girl. Totoo naman talaga na kuya's girl ito. Minsan nga napaghihinalaang magkasintahan. Pero, may kasintahan naman si Nathan kundi si Nadia. Tumatawa lang si Nadia kapag iyon ang naririnig nito, dahil alam niyang kapatid iyon ni Nathan. Malapit na pala silang ikasal. Tsk. Pinatunayan talaga, they really meant each other. Ito lang ang kanyang nasabi noon. Kailan kaya ako ikakasal? Napatawa na lamang siya sa kanyang iniisip. Hmm. Parang hindi bagay sa akin ang may pamilya. These days, mahirap ng magtiwala sa mga tao ngayon, lalong - lalo na sa mga kababaihan. Napailing na lamang siya sa kanyang iniisip. Hay! Let me sleep. I have many things to do. Agad siyang umidlip at natulog nang mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD