Kahit sinabihan siya ng kanyang Ina na huwag pumunta sa office at sa paaralan ay palagi pa rin siyang pumupunta roon.
"I told you before, na huwag ka ng pumunta rito. Ano na namang ginagawa mo rito Zean?" Tanong ng kanyang Ina na tinaasan siya ng kilay.
"Mom, I want to make sure you're safe na nakarating dito." Sabi naman ni Zean.
Napailing na lamang si Becca noon. "Huwag mo akong utuin Frank. Kilala kita, pati na pag -uugali mo. Pumunta kana sa trabaho mo may meeting kayo diba?" Tanong ng kanyang Ina sa kanya na inaayos ang gamit nito.
Umupo naman siya sa visitor seat noon "Mamaya pa ang meeting nandoon naman si Clover eh." Sabi naman niya na abalang kinukulikot ang cellphone nito.
"Promise Mom, dito lang ako babantayan kita until 10 o'clock." Sabay kinindatan ang Ina niya.
Napailing na lamang ang kanyang Ina. "Mana ka talaga sa Ama mo ano?" Tanong nito.
Tumawa na lamang siya. Maya - maya'y bumukas ang pinto.
"Yes, Veron?" Sabi ng kanyang Ina.
"Ma'am pinapatawag po ninyo ako?" Sabi ng babae.
Kilala niya si Veron, may kasintahan na ito at loyal ito sa kasintahan niya. Hindi rin ito madaling landiin. Maganda si Veron at maganda ang hugis ng katawan, maayos manamit halatang sa mayamang pamilya na nanggaling.
"Oh, nandito na naman pala ang Anak mo Ma'am." Sabi nito na halatang may pagkasuklam ang boses.
"Hey, Veron. Napag -isipan mo na bang hiwalayan ang kasintahan mo, at magpa -alila sa akin?" Pang -aasar niya ni Veron.
"Whatever, Mr. Frank! Ma'am pasampal lang ito sa lalaking kaharap ko. Sarap suntukin!" Sabi nito na inirapan siya.
"Oy, 'wag kang manggigil sa akin, sumama ka nalang kaya, makakarating ka sa langit." Tumawa ito.
Namula na ito sa galit. "Bastos!" Sabi pa nito.
"Veron, calm down. Here are documents na pag -uusapan natin sa Friday. Pakisabi rin ni Faith na may meeting na magaganap on Friday." Sabi nito.
"Yes Ma'am. Aalis na po ako." Sinipatan pa siya nito.
"Iha, siya nga pala pakibigay ni Faith, gusto ko siyang makausap mamaya, how was her student." Sabi nito
"Mom ako na magbibigay."
"Huwag na! Ako nga ang inatasan magbigay sa kanya diba? Kilala mo ba si Faith?" Tanong nito sa kanya.
Nag- smirk lang siya noon. "Of course, ako pa." Sabi niya.
"Whatever, alis na po ako Ma'am." Tumango lang ang kanyang Ina.
Noong nakaalis na si Veron. Tumawa na lamang siya sa kanyang pinaggagawa.
"Hay naku Frank." Sabi nito.
Umalis ito sa table at naglakad -lakad sa paaralan nililibot ang paaralan. Kung wala bang pasaway na guro na hindi tinuturuan ng tama ang mga mag -aaral.
***
Napansin niyang mainit ang ulo ni Veron, matapos itong pumunta sa office.
"Anong nangyari sa'yo?" Taka niyang tanong na itinuturing na niyang kaibigan.
Bumuntong -hininga ito. "Wala Faith, may nakita lang akong mukha na nagpapa -init ng ulo ko kanina."
Nagtaka naman siya.
"May galit ka kay Ma'am Becca?" Kasi ito lang naman ang nasa office.
"Hindi Faith, 'yong anak niya."
"Anak niya?" Nag -isip naman si Mariely, nang bigla niyang naalala ang sinabi ng kanyang kapatid noon.
"Ah." Ito lang ang tugon niya noon.
"Kilala mo ang anak ni Ma'am Becca?" Tanong naman nito sa kanya.
"Oo, pero nakalimutan ko ang pangalan. Kaklase kasi iyon ng kuya ko."
"Really? Close sila ng kuya mo?" Tanong na naman nito sa kanya.
"Hindi ko alam, hindi naman masyadong nagkwekwento si kuya eh. Nasa Private school kasi si kuya nag-aaral ng high school. Ako, nasa Public School, kaya di ko masyadong kilala mga kaklase ni kuya." Sabi naman niya.
"Mag -iingat ka sa lalaking iyon Faith."Sabi pa nito sa kanya.
"Bakit? Nanligaw ba sa iyo 'yon?" Tanong niya.
"Tinangka niya akong ligawan, akala niya kagaya ako na babae na madaling mapikot ng charm niya." Sabi nito sabay irap sa mata halatang galit nga ito.
"Oh? Wag kang mag -aalala di ako papatulan niyan. Masama ang ugali niyan eh."
"Talaga, sobrang sama ng ugali."
Napatawa na lamang siya noon.
"Babalik na pala ako sa mga mag -aaral ko baka may rumble na namang ginagawa." Pagpapaalam niya kay Veron.
"Ah, sandali Faith. Sabi pala ni Ma'am Becca na papupuntahin ka sa office if you have a vacant to check if your okay na kaya mong i-handle ang section na iyon." Sabi nito na hindi pa siya nakaalis.
"Natatakot kasi si Ma'am na magbitiw ka bigla eh." Sabi pa nito.
Napatawa naman si Mariely noon. "Kakayanin ko ang trabaho ko, kailangan ko ng trabaho para naman may maitulong ako sa mga magulang ko no. At saka, para matostosan ko rin ang pagre -review ko." Ngumiti siya sa kanyang kausap.
"Alam mo, napaka -energetic mo at saka positive thinker ka rin Faith. Alam ko naman eh." Napangiti si Veron sa kanya. "Siya nga pala, we have a meeting on friday." Sabi nito.
"Sige, Salamat Veron."
Tumango lang ito sa kanya. Agad siyang naglakad nang mapansin niyang maingay ang mga mag -aaral niya.
Dali -dali siyang pumunta sa silid -aralan. Agad niyang nakita na nagsusuntukan na naman ito.
"Tumigil na kayo!" Sigaw niya sa klase.
Habol niya ang kanyang paghinga noon.
Tumigil naman ang mga nag-aaway noon.
"Ano bang problema ninyong dalawa ha?" Agad niyang tinanong ang dalawa na wala sa oras ay magbabasagan na naman ito ng ulo.
"Sige patuloy ninyo na 'yan!" Sigaw naman ng isa.
Gumaya naman ang lahat.
"Ayaw ninyo talagang tumigil ha?" Kinuha niya ang kanyang kwaderno.
"Ide, ilista ninyo." Nagtawanan pa ito.
Calm down Ely, ito lang ang sinasabi sa kanyang isipan noon.
Huminga siya nang malalim. "Dahil, hindi kayo nakikinig sa akin. Lahat kayo, maglilinis sa labas!" Sabi niya
"Ayaw namin."
"Kapag hindi ninyo gagawin iyon, lahat ng mga magulang ninyo ay ipapatawag ko."
Doon, nagsitigil sila sa kanilang ginagawa at ang dalawang nag -aaway ay tumigil. Tiningnan siya ng masama noon.
"Ano? Labas na linisin ninyo ang mayayabong na d**o sa palikuran rito." Naging seryoso ang mukha niya.
Nagsilabasan naman ang lahat.
"Kayong dalawa, maiwan kayo rito. Mag -usap tayo nang masinsinan." Sabi naman niya sa dalawang nag -aaway.
Kita sa mukha nito na hindi sila gustong magsama ang dalawa.
Lumabas na muna siya sandali.
"Iha, halika rito." Agad namang lumapit ang mag -aaral na babae.
"Ikuha mo ako ng first aid kit sa clinic, dalawang yelo at mga gamot ha? Pakisabi sa nurse na gagamitin ko muna ang first aid kit doon. Saka, iha. Pakibantayan mga kaklase mo. Sabihin mo sa akin kung hindi nila ginagawa na maglinis." Sabi niya sa mag-aaral.
"Opo Ma'am."
Tumango na lamang siya. "Salamat." Ngumiti siya sa kanyang mag -aaral.
Agad namang tumungo ang kanyang pinagsabihan.
Tiningnan niya ang dalawa na tahimik na naka-upo. Puro sabog ang mga labi at may black eye pa ito. Dumudugo pa ang ilong nito sa dalawa.
"Ano bang pinag-aawayan ninyo?" Tanong naman niya sa mga dalawang nagbabasagan ng ulo.
Tahimik lang ang dalawa. Bumuntong -hininga siya.
"Ayaw ninyong sabihin sa akin, ganoon ba? So palagi kayong nagsasakitan niyan Niel at Rodel?" Sabi nito.
"Magpinsan kayong dalawa tapos nag -aaway kayo." Patuloy niyang pagsasalita.
"Kung hindi lang sana niya inagaw ang kasintahan ko. Hindi sana kami maghihiwalay." Sabi ni Niel noon.
"Anong inagaw? Bakit kasintahan ko ba siya ngayon? Ang landi nga ng kasintahan mo eh. Nilayo lang kita doon." Sagot naman ni Rodel.
"So? Nag-aagawan kayo sa isang babae ganoon?" Tanong niya sa dalawa.
"Hindi ko inagaw ang kasintahan niya, nilayo ko lang po sa kanya, dahil nakikipaglandian sa ibang lalaki, kaya ako na ang nagsabi sa babaeng malandi na kasintahan niya na hiwalayan siya." Paliwanag ni Rodel noon.
"Dahil gusto mo siya." Sabi naman ni Niel. "Di siya malandi!" Sabi naman nito.
Napailing na lamang siya. Gusto niyang tumawa sa harapan ng kanyang dalawang estudyante pero, hindi niya magawa dahil nag -aaway ito. Dahil lang sa babae ay nag-aaway -away.
"Oh, tigilan na ninyo 'yan." Sabi niya sa dalawa.
"Ikaw Rodel, bakit mo naman sinabi na ganoon ang kasintahan niya. Napatunayan mo na ba iyon?" Tanong niya sa isa.
"Kasi po Ma'am, kahit may kasintahan na siya. Palagi ko pong nakikita na kasama niya lalaki, nakikipagharutan pa nga siya sa mga lalaking nakakasama niya eh. Pumapayag rin po siyang makipag -s*x sa ibang lalaki. Di na po iyon virgin. Kaya naman po tinakot ko po 'yong malanding babaeng 'yon. Kawawa naman po kasi ang pinsan ko kapag ganoon. Kasi po, ang lalaking 'yan, kahit andaming nakakakita sa pinaggagawa ng kasintahan niya hindi pa rin naniniwala. Kasi mahal niya ang maharot na babaeng 'yon.
Iyon lang naman magagawa ko sa pinsan ko eh." Salaysay ni Rodel noon.
Jusko, ibang - iba na talaga mga kabataan ngayon. Naiisip na nila ito sa murang edad. Nasabi na lamang niya sa kanyang isipan noon.
"Ikaw ba Niel, nahuli mo na ang kasintahan mo na may kalaguyong iba?" Tanong niya na nanahimik ito bigla at nakayuko ang ulo.
"Yes po Ma'am, pero ang sabi niya sa akin kapag nahuhuli ko siya ay pinipilit daw siya ng lalaki. Maraming beses na 'po iyon, pero naniniwala ako sa kanya na faithful po siya, di po siya naghahanap ng iba. Kahit sabihin ng iba sa akin na nanlalandi na naman siya. Pinaglaban ko po siya eh. Noong nakita ko pong nakikipaghalikan siya sa ibang lalaki, tinanggap ko pa rin siya." Paliwanag nito.
Nakita niya pang may tumulong luha nito. Bigla tuloy siyang naawa sa batang kaharap niya. Maagang namulat sa love na wala sa tamang panahon.
Ginulo niya ang buhok nito. "Tahan na. Alam mo. Makakakita ka pa ng ibang babae na mas karapat - dapat sa'yo." Mahinahong pagkakasabi niya.
"Sorry bro. Di ako naniniwala sa'yo noon." Sabi ng lalaki na umiiyak habang nakayuko ang ulo.
Nakita pa niyang tinapik ni Rodel ang balikat ni Niel. "Hayaan na, mag move -on ka nalang. Marami pang babae na karapat -dapat sa pagmamahal mo. Pasensya na rin." Sabi nito.
Papalihim siyang natuwa sa dalawa na nagkaayos na ito.
"Hindi na ba kayo magsusuntukan? Bati na ba kayo?" Tanong niya sa dalawa.
Tumango lang ang dalawa.
"Excuse me Ma'am," rinig niya.
"Ah, maraming salamat, Iha." Ngumiti siya sa dalawa. "Naglilinis ba sila roon?" Tanong niya sa babaeng estudyante niya.
Ngumiti ang babae sa kanya. "Yes po Ma'am." Sabi nito at agad bumalik sa paglilinis.
"Gagamutin ko lang mga sugat ninyo." Sabi niya sa dalawa.
Pinayohan niya ang kanyang dalawang mag -aaral na darating rin sa tamang panahon ang the only one sa kanilang mga buhay. Mag -aral nang mabuti muna para sa kanilang kanya -kanyang buhay nila sa kasalukuyan.