IKAWALONG KABANATA

1294 Words
"Faith, napakalinis yata ng palikuran ninyo ah. Nakita ko na lumabas ang mga mag -aaral mo kanina." Puna ni Veron. "Ah, sumuway kasi sa rules kaya may punishment at may nag-aaway rin. Kaya naman 'yong dalawang magpinsan ay inayos ko muna." Sabi naman niya. "Ah ang dalawang 'yon si Rodel at Niel, close na close ang dalawang magpinsan na iyan. Noong isang buwan nagkakalabuan ang dalawa palaging nag-aaway at minsan nagsusuntukan." Sabi naman ni Veron. "Hindi na iyon mag-aaway pang muli Veron." Sabi niya. "Ano bang pinag-awayan sa dalawa?" Tanong naman nito. Napatawa na lamang siya "Love." Sabi niya. Napahalagapak naman ng tawa si Veron noon. "Iba na talaga ang mga makabagong henerasyon ngayon may alam na sila sa love. "Noon nga tayo eh. Puppy love lang tayo eh." Sabi naman niya na mahimasmasan na ito sa kakatawa. "Oo nga eh, pero hayaan nalang. Nandito tayo para gabayan sila, hindi ba?" Tanong naman niya. Napaisip rin si Veron noon. "Oo nga naman Faith, tama ka. Nandito tayo bilang guro na gabayan sila sa gusto nilang paruruunan." Sabi naman nitong tumango -tango habang nagsasalita. Napangiti lang si Mariely noon. Sabado noon, para makatipid siya sa pamasahe ay hatid sundo siya ng kanyang kapatid kung saan siya nagre-review para sa board exam niya. Mabilis iyon na araw ni Mariely. Abala siyang tumutulong sa kanyang Ina sa pag-aayos ng bahay dahil tuwing linggo lang siya makakatulong sa mga gawain. "El, ikaw na muna ang mag-grocery ha? May tatapusin lang ako na gawain." Sabi naman ng kanyang Ina na si Mariel. "Opo Mama." Ngumiti na lamang siya. "Sasamahan ka ng kuya mo at ni ate Nadia mo." Sabi naman ng Ina niya. Tumango na lamang siya. "Ma, nandito na po ba ang mga listahan na bibilhin ko?" Tanong niya. "Ah, oo. Muntik ko ng makalimutan." Agad naman nitong ibinigay kay Mariely ang mga listahan na bibilhin niya. "Ma, alis na po ako." Tumango lang ito at kumaway sa kanya. "Let's go?" Tanong ni Nadia sa kanya. "Sige po ate." Sabi naman niya. Agad silang nakarating sa Super Market sa bayan. Dahil mag- gro-grocery rin si Nadia ay sinamahan rin siya. Kasama rin ang kuya niya sa pamimili noon. "Ay, ang mahal naman. Baka di magkasya sa budget ni mama." Napangiwi siya sa presyo noong nakaharap siya sa bibilhin niyang gatas. "Ito, El oh. Mura lang 'yan. 500ml iyan." Sabi ni Nadia noon. Agad naman niyang tiningnan ang sinabi ni Nadia. "Ay, ito nga. Salamat ate." Ginulo lang ang buhok nito. "Ano pa ang naka -lista diyan Sis, Tutulungan kita sa paghahanap?" Sabi naman ng kapatid niya. Ibinigay naman niya ang kanyang listahan. "Okay, hahanapin ko lang. Hon, hanapin ko lang ito ha. Samahan mo si El." Sabi ng kanyang kapatid. Ngumiti lang si Nadia noon. "Yes, Hon." Sabi naman nito. Kahit kailan ang sweet ng dalawa. Kahit magtitigan lang eh, kinikilig na siya. Inakbayan lang siya ni Nadia noon. "Ate, ano 'yang pinamili mo?" Tanong naman niya nito. "Ah, mga kinakailangan sa bahay lang El. Alam mo na kagaya mo rin napag -utusang mamili." Ngumiti ito sa kanya. Napangiti na lamang siya. "Oy, nandito ka pala Yllana." Sabi ng boses lalaki. Agad naman nila itong tiningnan. Ang anak pala ni Ma'am Becca. Hanggang ngayon, di pa rin niya kilala ito o talagang nakalimutan na niya. "Kasama mo pala magiging sister -in -law mo." Sabi pa nito na tiningnan rin siya. Nangunot naman ang noo niya. "Himala nandito ka sa Super Market. Naghahanap na naman ba ng mabibiktima?" Tanong ni Nadia noon na naka -cross -arm at nakataas ang kilay. Nag-smirk lang ito. "Grabe ka naman, malapit ka ng maging Mrs. Celestial. Hindi ba ako invited sa kasalang magaganap?" Tanong naman nito. Nanahimik lang si Mariely noon. Tinitingnan lang ang dalawa. Hindi naman niya gawaing sumabat sa usapan. "Pag- iisipan pa namin. Total mahabang panahon na 'yang 6 month" Sagot naman ni Nadia. Tumawa lang nang mahina ang lalaki. Tiningnan siya nito. "Nice to see you again." Bati nito sa kanya. "Iyakin ka pa rin ba hanggang ngayon? Baka palagi kang pinapa -iyak ng mga estudyante mo ha?" Nang -aasar na naman ito sa kanya. Tinaasan lang niya ito ng kilay. "Ang sama pa rin ng ugali mo." Sabi niya. Nag -smirk ito sa kanya. "Kumusta pala ang school?" Lumapit ito sa kanya. Nagtitigan pa sila. Malapit ang mukha nito sa kanya. "Kwentuhan mo naman ako." Pabulong nito sa kanya. Nagtaasan ang balhibo niya noon. Hindi siya sanay na may lalaking makakalapit sa kanya at bubulungan sa tainga. May bigla nalang humila sa braso niya at napasandal nalang sa dibdib ng kanyang kapatid. "Can you just stop with your prank? Mabuti pa tulungan mo ang Ina mo sa pamimili, hindi 'yong kung anong ginagawa mo, Zean." Ma awtoridad nitong sabi ng kanyang kapatid. Nag - hands -up lang ito. "Calm down Nathan. Kinukumusta ko lang naman ang sister mo kung kumusta ang trabaho niya bilang guro." Sabi pa nito na tinitigan siya. "Bakit principal ka ba? Sa pagkaka -alam ko kasi 'yong Ina mo lang ang principal." Sabi ni Nadia na nakapa-mewang pa. Kumakabog pa rin ang dibdib niya sa kaba sa ginawa ng lalaking kaharap niya. Buti nalang at hinila siya ng kanyang kapatid. "By the way, I'm happy that you two are getting married." Ngumiti lang ang lalaki sa kapatid niya at kay Nadia. "Let's go Frank. Kahit saan ka ilagay ano?" Nakita niya si Ma'am Becca noon. "Nadia and Nathan, pasensyahan mo na ang lalaking ito Alam ninyo naman na hindi pa rin ito nagbago." Sabi pa ng Ginang. Hindi lamang sumagot si Gill noon, hawak - hawak pa rin ang braso niya. "Yeah, mauna na kami." Sabi pa ng lalaki. Tiningnan pa siya nito ng lalaki binigyan siya ng makahulugang ngiti ng lalaki bago tumalikod at sumunod sa kanyang Ina. Noong nakalayo na ito. Agad siyang tinanong ni Nadia. "You okay?" Tanong ng nag- aalala sa kanya. Tumango na lamang siya. Tapos na silang mag - grocery noon. Nakatulog siya sa back seat noon na narinig niyang nag -uusap ang dalawa. "Natatakot ako para kay Ely." Ito ang narinig niya kay Nadia. "Subukan niya lang saktan si Ely, mananagot siya sa akin." Sabi ng kapatid niya na nagbabanta ang boses. "Kita mo naman ang ginawa niya kay Ely kanina diba? Nagkaka -interes siya sa kapatid mo. Natatakot ako kay El. Di pa naman siya marunong mag -handle sa lalaking kagaya ni Zean, natatakot ako na baka --- mahalin niya si Zean." Sabi nito. Hindi lang sumagot ang kapatid niya. Nagkibit -balikat lang ang kanyang kapatid noon. "Wala akong magagawa kung mahalin niya ang lalaking 'yon. Ang inaalala ko lang. Mapaglaro ang lalaking iyon. Wala siyang paki -alam kung mahalin siya. Damn this. Kapag dumating ang araw na ginawa niya iyan sa mismong kapatid ko. Pasensyahan na lang." Ito ang narinig niya sa dalawa. "Bakit kaya ilayo natin si Ely, na lumipat siya ng school na pagtuturuan? Excuse naman iyon na hindi kayang i-handle ni Ely ang section na hinahawakan niya diba?" Mas lalo pang ikinagulat ito ni Mariely. "Shh. Calm down, Hon. Baka marinig ka ni El. Alam mo naman na gustong -gusto niyang magturo at hindi madaling kumbinsihin ang babaetang 'yan, alam mo iyon." Sabi pa nito. Narinig pa niyang nagbuntong -hininga si Nadia noon. "Matagal na nating ginagawa ito Hon, na sa lahat ng lalaki, hindi dapat si Zean makalapit sa kapatid mo. Kasalanan ko ito noon eh. Dapat di ko iniwan si Ely noon sa office." Sabi pa nito. "Hon, matagal na iyon. Hindi mo iyon kasalanan. Makakahanap tayo ng paraan. Sana di lang huli ang lahat." Tumango nalang ng mahina si Nadia noon. Hindi na niya ito narinig na nag-usap at kita sa mukha nito ang pag -aalala at pagkabalisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD