Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa isipan ni Mariely ang pinag -usapan ng dalawa. Hindi naman niya pwedeng tanungin ang kanyang kapatid. Nag -iisip siya noon, habang nakahiga sa kanyang hihigan. Lagi na akong inaalala ni kuya noon pa, mahina kasi ang loob ko kapag ibang lalaki na ang nakikipag -usap sa akin. Tanging nasabi niya sa kanyang isipan at napabuntong - hininga na lamang. Kailangan na niyang iwanan ang comfort zone niya. Hindi niya kaya na makipag -usap o makipag -kwentuhan sa isang lalaki. Tanging ang kapatid at ama lang ang komportable siya. Naiilang kasi siya sa mga kalalakihan. Hindi niya alam kung bakit. Alam rin kasi iyon ng kapatid niya na nahihirapan itong makihalubilo sa mga kalalakihan. Maliban lamang sa mga kababata niya. Kung kaedad niya o lampas ng edad niya

