“Hindi ko alam kung saan ako nagmula, hindi ko alam kung may pamilya ba ako, ang tanging naalala ko lang ay ang pangalan ko. Ako si Aliya.” Litong – litong sagot ni Aliya sa mga umaaligid sa kanya, nagising lang siyang walang alam kung ano ba ang nangyari sa kanya. Alam niyang patay na siya at isa na siyang kaluluwa, kaluluwang hindi maalala ang kanyang pagkatao. Siya lang ang makasasagot sa misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao.
Julie Marie Navares, isang tipikal na dalaga. Pinalipat siya ng paaralan dahil iyon ang huling kahilingan ng kanyang ama, ang magkasama sila sa iisang paaralan ng kanyang kapatid na si Christian Navares. Akala niya ang kanyang pag- aaral ay magiging tahimik, at hindi malalaman ang kanyang itinatagong sekreto na tanging ang pamilya lang niya ang nakakaalam na may itinatago siyang talento sa pagkanta, ang kanyang ikalawang katauhan kapag nasa entablado siya na kilala sa tawag na POP PRINCESS. Ano ang mangyayari kapag nalaman iyon ng kanyang kinaiinisan na tao na siyang kababata niya noon na ngayon lang sila ulit nagkita na si Mark Cielo Villanueva. Magiging tahimik pa kaya ang buhay niya, maitatago ba niya ito sa kanyang kababata noon?
Mariely, isang hopeless romantic, isang guro at isang mapagmahal na kanyang pamilya at kapatid. Sa kanyang mundo, hindi pa siya nakaranas ng umibig, ano ang pakiramdam ng umibig sa isang tao, ngunit, natatakot naman siyang sumugal na ibigay nang buo ang puso niya sa maling tao. Sa pagkakataon, makabangga niya ang isang taong kukuha sa kanyang atensyon, mahuhulog ba siya? Susugal ba siya para makasama at maranasan niya iyon? O kaya’y mananatiling protektahan niya ang kanyang damdamin at palalampasin na lamang ang lahat nang iyon?
“Hindi man ako makaganti sa lupa. Ako na mismo ang susundo sa kaluluwa ninyo sa impyerno. Ako magiging karma sa buhay ninyo!” Saad ng isang kaluluwang naghiginagpis, napatawa ito habang tumutulo ang luha. Napabangon na lamang si Sharlene sa masamang panaginip. Palagi siyang binabalikan ng bangungot na hindi niya maintindihan kung bakit, palagi niyang napapaginipan ang babaeng umiiyak. Nasapo na lamang niya ang kanyang noo at napabangon na lamang sa kanyang hihigan.
Sa mundong ginagalawan, may mag nangyayaring hindi inaasahan. Mga nakaraan na pilit na itinatago, mga nakaraan na tinatakasan ng kahapon.
Mga nakaraan na nakabuntot sa kasalukuyan, mga nakaraang mahirap talikuran