bc

LIHIM NG KAHAPON

book_age16+
381
FOLLOW
1.9K
READ
scary
campus
like
intro-logo
Blurb

Sa mundong ginagalawan, may mag nangyayaring hindi inaasahan. Mga nakaraan na pilit na itinatago, mga nakaraan na tinatakasan ng kahapon.

Mga nakaraan na nakabuntot sa kasalukuyan, mga nakaraang mahirap talikuran

chap-preview
Free preview
PROLOGO
Nababalot ng katahimikan ang gabi, mahimbing na natutulog ang lahat. “Tulong,” paghihingi nito ng saklolo, habang binabagtas nito ang kahabaan ng kalsada. Tila may tinatakasan ito. “Tulong, tulungan ninyo ako.” Maririnig ang pagsusumamo ng kanyang boses, ang takot at pag – aalala. Sa katahimikan ng gabing tanging ang liwanag lamang ng buwan ang saksi sa lahat ng pangyayari. Takbo- lakad ang kanyang ginawa, wala siyang makitang bahay o kaya’y mga tao sa oras na iyon.  Naghahalo na ang pawis at luha habang tinatakbo niya ang kalsadang patungong kagubatan. “Tulong!” Nilakasan niya ang kanyang boses, nagbabakasakaling may maririnig sa kanyang palahaw.  Narinig niya ang tawang nanggaling sa kanyang likuran, nasundan siya nito.  Kahit hindi niya lingunin ang taong nasa likuran niya, kaya naman agad niyang nilakasan ang kanyang loob, kahit pagod na pagod na ang kanyang katawan, kahit marami siyang iniindang sakit sa katawan, ang sugat na kanyang natamasa habang tumatakas sa kamay ng mga taong wala naman siyang ginawa. Kahit puno ng takot ang nararamdaman niya, kahit nanginginig ang buo niyang kalamnan sa takot na humalo ang hapong katawan. Tumakbo pa rin siya sa kanyang makakaya. Diyos ko, tulungan po ninyo ako! Hindi pa akong handang mamatay! Napasabi sa kanyang isipan noon. Rinig niya ang halakhakan ng mga lalaking humahabol sa kanya, hindi na niya maalala kung anong nangyari, nagising na lamang siya na nakatali ang dalawa niyang mga kamay noon.  May hinahanap ang kanyang mga mata, umaasang may tutulong sa kanyang sitwasyon. May umalingawngaw ng isang putok ng baril. Namanhid ang kanyang binti, pinipilit pa rin niyang maglakad.  May narinig ulit siyang putok ng baril, takot na takot siya na baka matamaan siya ng ligaw na bala.  Biglang namanhid ang kanyang kanang braso. Napansin niyang may umaagos na likido sa kanyang braso. Kahit takot siyang tingnan iyon, sa tulong ng aninag ng buwan nakita niya ang likidong umaagos sa braso niya. Hindi siya nakapagsalita agad. Dugo.  Parang mawalan siya ng ulirat, sumakit ang binti niya bigla at di makalakad. Ngayon na lamang niya napagtanto na siya pala ang binaril. Sa ikatlong beses sa pagkarinig niya ng putok, naramdaman niya ang balang tumama sa tiyan niya, doon, napahiga siya sa malamig na sementadong daan. Nakita niyang umaagos ang kayang dugo. Habol niya ang kanyang paghinga. Dito na ba ang libingan ko? Mamamatay ba ko sa ganitong paraan?  Tanong niya sa kanyang isipan na tumutulo ang luha. “Patay na ba?” tanging rinig niya na umaaligid sa kanya.  “Buhay pa, humihinga pa e.” tinadyakan pa siya ng lalaki sa hita niya na may tama ng baril. Kaya naman napadaing siya sa sakit. “Talagang mahirap patayin ang mga taong kagaya ng isang ligaw na damo.” Hinila nito ang mahaba niyang buhok. “Magba---bayad ka—yo.” Tanging usal niya, nilalabanan nito ang kamatayan niya. Nakita pa niya ang ngiting sarkastiko nito sa kanya. “Bigyan ninyo nga ako ng baril.” Sabi nito sa kasamahan. Nagtatawanan naman ang kasamahan nito. Naramdaman niya ang paglapit ng baril sa sentedo niya. “Hi—hindi ko kayo mapapatawad.” Tanging usal niya noon na umusbong ang galit sa mga lalaking hindi naman niya kilala. “Any last word, my dear?” Tanong naman nito na hindi pinapansin ang kanyang sinasabi. Hindi siya sumagot. Naramdaman na lang niyang pinutok na ito sa sentedo niya. Unti – unting tumahimik ang kanyang magulong paligid. Magbabalik ako. Magbabalik ako. Paulit – ulit niyang sambit habang bumibigat ang kanyang pakiramdam. xxxxxxxxxxx “Tayo na, tapos na ang misyon natin.” Saad ng isang lalaki matapos barilin ang babae sa sentedo nito. “Ate? Ate! Anong ginawa ninyo sa kapatid ko?” Tanong ng isang babaeng bihag nila.  Sumenyas ang isang lalaki na pakawalan ito. Agad itong pumunta sa bangkay. “Ate!” palahaw nito habang niyogyog ang wala ng buhay nitong katawan. “Magsasama naman kayo.” Sabi pa nito na tinutukan ng baril ang babae. “Ano bang nagawa naming kasalanan sa inyo?” Tanong nito sa kanila. “Oh? Hindi mo alam?” Tanong nitong napakamot na lamang sa ulo. “Mamamatay ka na rin, sige sasabihin ko.” Sabi naman nito. “Ang magulang ninyo ang nagpa – utos na tudasin kayong dalawa.”  Biglang tumahimik ang babae, dahil sa gulat nito sa narinig. Tumulo lamang ang luha nito.  “Bakit? Bakit?” Tanong nitong paulit – ulit sa mga lalaking nakasoot ng mask na hindi kita ang hitsura at tanging mga mata lang ang nakikita nito. “Hindi namin alam. Basta magkapera kami, wala kaming pakialam.” Sabi nito. Hindi na nagsalita ang babae, dahil siguro sa nalaman nito. Agad itong binaril ng maraming beses. Naliligo na ang magkapatid sa kanilang sariling dugo. “Hindi ba natin dedespatsahin ang katawan nila, boss?” Tanong nito. Hinubad nito ang maskara nito. “Hayaan ninyo iyan, gusto ng nag – utos sa atin na mabalita ang pagkamatay ng dalawang kapatid.” Nagsitanguan na lamang ang mga kasamahan nito. Sumakay ulit sila sa van na tila wala silang pinatay ngayong gabi. Nakita niya ang dalawang bangkay na ang bunsong kapatid ay nakayakap sa kapatid nitong panganay.  Inutusan lamang silang ligpitin ang buhay nito. Agad tumawag ang kanilang boss. Narinig nila ang masayang halakhak na namatay ang dalawang babae. Ayon sa kanyang narinig, kaya pinatay ang dalawang babae dahil hadlang ito sa pinaplano nitong kasakiman. Hindi siya dapat makonsensya, hindi siya ang pumatay, ang kanilang boss ang tumapos nito. Trabaho lamang ang kanyang ginawa at dapat hindi humalo ang awa. Bakit ngayon lang siya makokonsensya, matagal na niyang gawain at ito ang nagbibigay sa kanya ng perang pinapakain nito sa kanyang mga kapatid. Hindi rin alam ng kanyang mga kapatid ang kanyang napasukan. “Hoy! Baka isumbong mo kami sa kapulisan.” “Kahit magsumbong iyan, makukulong rin siya.”  Hindi na siya sumagot pa. Tahimik na lamang siya. Matagal na ako sa gawain na ito, bakit ba nakokonsensya ako? Napatanong sa kanyang isipan. Marahil siguro, may kapatid din siya na babae, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya kung ang kapatid niya ang nasa sitwasyon ng dalawa kanina. Napapikit siya. Hindi mangyayari iyon. Pakalma sa kanyang isipan. Kailangan niyang ihinahon ang kanyang iniisip ngayon. Hinilot niya ang kanyang sentedo. Bago sila umuwi sa kani – kanilang mga tahanan, naghati – hati sila sa perang binigay ng utak ng krimen.  Kapag umuwi siya sa kanilang tahanan, hindi siya ang lalaking pumatay, kundi isang maarugang kapatid sa kanilang normal na pamumuhay, kasama ang kanyang mga kapatid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
44.6K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Wife For A Year

read
70.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.6K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook