CHAPTER ONE: ANG SIMULA

2418 Words
Habang papasok sa classroom si Thalia, kahit nasa pintuan pa siya, rinig na rinig niya ang halakhakan, kwentuhan at pag – aaway ng kanyang mga kaklase. Napabuntong- hininga na lamang siya. Junior high school pa lamang siya, Grade 10 na si Thalia at malapit na ring mag moving – up para makatungtong siya ng Senior High School. Nag – aaral siya nang mabuti para sa pamilya. Tahimik siyang pumasok sa kanilang classroom, at umupo sa kanyang proper seat. Napakamot siya sa kanyang batok dahil umagang – umaga napakaingay ng kanilang klasrum. Nag – aaral si Thalia sa pribadong paaralan, kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pagsusumikap na makatapos siya ng pag – aaral, dahil hindi lang basta – bastang school ang napasukan niya, mahal ang tuition rito. Ewan ba sa kanyang kapatid, kung bakit siya pinapaaral rito sa paaralan kung saan siya ngayon. Sapat na sa kanya na nasa pampubliko siyang paaralan nag – aaral. Hay! Tanging bulalas sa kanyang isipan. “Nandiyan ka na pala, Thalia!” agad salubong nito ng palo sa kanyang braso. Tiningnan niya ito. “Ruth, good morning.” Bati niya rito. “Good morning, din Thalia.” Magiliw nitong bati sa kanya. Agad itong tumabi sa kanya. “Balita ko, magkakaroon tayo ng camping trip.” Kwento nito sa kanya. “Saan naman?” tanong sa kanyang kausap. “Doon sa may dalawang bangkay natagpuan noong ilang buwan? Iyong magkakapatid na pinatay? Malapit doon ang camping trip natin.” Sabi naman nito. Napatingin naman siya sa kanyang kausap. “Oh? Malayo iyon dito di ba?” Tanong naman niya sa kanyang kausap. Tumango ito sa kanya. “Pero hindi naman sa malayo, naririnig ko kasi,” lumapit ito sa kanya na parang bubulong sa kanya. “Narinig ko kasi na nagpaparamdam doon ang dalawang magkakapatid, doon mismo kung saan sila pinatay.” Sabi pa nito. Napataas naman ang kanyang kilay na tiningnan si Ruth. Tinantiya niya kung nagbibiro ba ito sa kanya o seryoso sa pinagsasabi nito. Sasagot na sana siya nang pumasok ang kanilang adviser, may dala – dala itong papel. Kaya naman, nagsitahimik ang lahat ng mag – aaral, sila ring dalawa ay tumahimik na. Tiningnan na muna sila ng kanilang guro. Lalaki ang guro nila at saka may hitsura pa. Alam niyang crush ni Ruth ang kanilang adviser, kaya siniko ni Thalia si Ruth noon. Ngumiti na lamang ang kanilang adviser sa kanila. May naririnig siyang may kinikilig sa mga kaklase niyang babae. “Good morning, class.” Bati nito sa kanila. “Good morning, Teacher Jake.” “Please, take your seat.” Sabi pa nito sa kanila. “Here is your parent’s consent, before going to our camping next week. Make sure that it will sign with your parents or your guardian. Please write also the contact number of your parents or guardian.” Habang abala ito sa pagbibigay sa parents’ consent nila. Nagdarasal siyang hindi siya papayagan ng kapatid niya, ayaw niyang sumama dahil hindi rin nila afford ang gastos ng camping trip. “Remind you, students. It’s compulsory.” Napabuntong – hininga na lamang siya na itago ang parents’ consent na inabot ng kanyang adviser. Tila sinasabi ng utak niya na may mangyayaring kakaiba sa camping trip. Hindi naman siya natatakot sa multo, mas naniniwala siya sa natural instinct niya. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa kanyang kapatid ang camping trip nila. Alam ni Thalia ang ugali ng kanyang nakakatandang kapatid. Kapag may parents consent itong ipinakita, agad itong papayag at pipirma ito kaagad. Hindi niya namalayan na nakaabot na pala siya sa bahay nila. Simple lamang ang pamumuhay na kinagisnan nilang magkakapatid. Ulila na silang lubusan, ang tanging bumubuhay na lamang nila ay ang kanyang kuya na maraming sidelines para lang maiahon sila at makakain sila sa isang araw ng tatlong beses. “Oh, nandito ka na pala. Tata.” Sabi rito na naghahanda na naman ng kanilang makakain ngayong gabi. “Opo, mano po.” Agad siyang nagmano sa kanyang kapatid na si Felix. “May problema ba?” Tanong nito sa kanya, talagang agad nitong napapansin ang kanyang hitsura. “Ah, wala.” Napabuntong – hininga na lamang siya noon. “Ano iyang buntong – hininga mo? May problema ka ba sa pag – aaral mo?” Tanong naman nito sa kanyang kapatid. Agad kinuha ni Thalia ang parent’s consent. “May camping trip kasi kami next week.” Pag -amin na niya sa kanyang kapatid. “Tapos?” Tanong nito sa kanya na kinuha ang parent’s consent sa kamay nito. “Kuya, masyadong magastos ang camping trip na iyan.” Agad niyang sabi. Kumunot naman ang noo nito. “Kung kasali iyan sa pag – aaral mo, malamang papayagan kita, kahit gaano pa iyan kagastos.” Sabi pa nito. “Kuya, hindi lang ako ang pinapaaral mo. Pati si ate, malamang marami ring bayarin si ate ngayon dahil patapos na ang midterm nila.” Pangungumbinsi ni Thalia sa kanyang kapatid. Napatawa na lamang si Felix kay Thalia. “Tapos ko ng bayaran ang tuition ng ate mo no. Saka kong sasabihin mo rin sa akin na ilagay sa savings para sa pag – aaral ng bunso mong kapatid, pwes, may naitago na rin ako sa savings. Alam mo, Tata, hindi mo dapat pinoproblema ang ganyan.” Sabi naman nito. “Kuya, ibigay mo na lang kaya iyan sa sarili mo? Puro na lang kasi sa amin ang inaatupag mo.” Napakamot na lamang si Thalia habang kausap niya ang kanyang kapatid. Tinawanan na lamang siya nito. “Ayan, tapos ko ng pirmahan ang parents consent mo.” Sabi naman nito. “Mag – aral kayong mabuti, tanging edukasyon lang ang maibabahagi ko sa inyo. Kahit hindi ako nakapagtapos, ang importante kayo ang nakapagtapos.” Sabi naman nito. “Oh, siya, magbihis ka na, kasi pagdating ng kapatid mo. Kakain na tayo.” Hindi na siya nakipagtalo sa kapatid niya, hindi niya alam kung sa paanong paraan napa – budget ang pangangailangan nilang magkakapatid. Marami ang trabahong pinapasukan ng kapatid niya, kahit hindi ito nakatapos sa pag – aaral, madiskarte ito sa buhay. Kung iisipin niya, nasa late twenties na ang kanyang kapatid na lalaki, kung hindi lang namatay ang kanilang magulang, maganda na siguro ang kalagayan nito ngayon. “Thalia, saan pala ang camping trip ninyo?” Tanong nito bigla sa kanya. “Oh, malayo kuya. Malapit sa krimen na pinatay iyong dalawang kapatid na babae.” Sabi naman niya. Tumango – tango lang ito at napag – isip. Umaasa pa rin siyang mag – iba ang ihip ng desisyon nito at hindi siya pasasamahin. “Tawagin lang kita kapag nandiyan na ang ate mo.” Sabi naman nito at umalis. xxxxxxxxx Pinagmasdan ni Felix ang phone niya na tila may hinihintay ng isang text. Gusto niyang pagbawalan ang kanyang kapatid sa camping trip na mangyayari sa isang linggo. Marami ang kumakalat na balita na maraming nawawalang minor de edad na babae sa camping trip na iyon, kung saan mismo namatay ang dalawang magkapatid. Napapakamot siya sa kanyang ulo. Nabasa niya ang parents consent na required ito sa mga mag – aaral na pumunta. Felix, tatlong araw lang naman iyon. Pangungumbinsi ng kanyang isipan. Nandoon ang kanilang adviser at ilang guro. Sabi sa kanyang isipan. Ayaw niyang pagbawalan ang kanyang mga kapatid sa gusto nito, kung kaya at maari ay gagawin niya ang lahat para sa kanyang tatlong kapatid. Marami siyang rason kung bakit ganoon na lamang niya pinapahalagahan ang mga kapatid na naiwan sa kanya. Para sa kanya hindi balakid sa kanya ang kanyang mga kapatid. Simula ng iwan sila ng kanilang magulang, gusto niyang bigyan ito ng magandang buhay. Kung kaya ng kanyang katawan gawin ang lahat ginagawa na niya. Hindi niya sinabi sa kanyang kapatid kung saan siya kumukuha ng pera ay dahil marami siyang trabahong hindi pwedeng pasukin ng mahihina ang loob. Ang trabaho niya ay taga – benta ng laman ng hayop na namatay na sa sakit. May tinatawag silang illegal market na hindi niya pwedeng sabihin sa kanyang mga kapatid. Doon, kumikita siya ng pera base sa kanyang quota. Alam niyang balang araw, kapag natimbog ang illegal market, makukulong siya, kapag nakulong siya, gusto niyang nasa maayos nakalagayan na ang kanyang mga kapatid. Kahit man sabihin ng iba na pinapakain niya ang trabaho niyang mali sa pamilya niya, kumakapit lamang siya sa patalim ng buhay. “Kuya.” May boses na nagpabalik sa kanya sa katinuan. Agad niyang tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya. “Nandiyan ka na pala Jenny.” Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. Kumunot ang noo nito. “Okay ka lang, kuya?” napansin yata nito ang malalim niyang pag -iisip at napansin niyang lobat na pala ang phone niya. “Wala, iniisip ko lang si Thalia.” “Anyare kay Thalia? Hindi pa ba nakauwi?” Tanong nito sa kanya. “Nandoon sa kwarto ninyo, ah tungkol sa camping trip nila na gaganapin sa isang linggo.” “Anong pinag – aalala mo, kuya?” Tanong naman nito sa kanya na umupo noon. “Pinayagan ko na siyang makakasama siya, at saka kailangan din na sumama siya. Ang pinag – aalala ko. Uso na ngayon ang mga kabataang biglang nawawala hindi ba?” tanong naman niya kay Jenny. Nakikinig lang ang kanyang kapatid sa kanya at tumango. “Nabalitaan mo naman siguro kung anong lugar marami ang nawawalang kababaihan.” Tiningnan niya si Jenny. Agad napansin niyang kumunot ang noo nito. “Huwag mong sabihin na doon sa krimen na ginapan ng dalawang kapatid na babaeng pinatay?” tanong naman nito sa kanya. Tumango lang siya noon. “Ayokong hindi siya makasali dahil lang sa rason na iyon. Maraming haka – haka ang narinig natin sa lugar na iyon, kung saan pinatay ang dalawang magkakapatid.” Sabi naman ni Felix. “Gusto mo bang kausapin ko si Thalia, tungkol rito na hindi na siya pasasalihin?” tanong naman ni Jenny. “Huwag na, nag – aalala lang ako, may tiwala naman ako sa kapatid mong iyon.” Sabi naman ni Felix. Tumango lang naman si Jenny “Kung ano ang mas nakabubuti kay Thalia, kuya.” Sabi naman nito. Napangiti na lamang siya. Kapag ganito ang kanilang pinag – uusapan, hindi na bata ang sumunod sa kanya at may sarili na itong desisyon sa buhay. “Jen, pakitawag si Thalia, maghahapunan na tayo.” Hindi ito sumagot, tumango lang ito sa kanya. Siya naman, agad niyang inihanda ang hapag, para makakain na silang magkakapatid. Hindi naman, natagalan ang dalawa niyang kapatid na babae, at nandoon na rin ang kanilang bunso. Sabay silang kumaing apat. “Mag – iingat ka roon, Thalia.” Iyon lang ang sabi ni Felix. Kumunot na lamang ang noo nito at tiningnan siya. “Opo.” Tanging sagot na lamang niya rito. Pinagmasdan niya ang kanyang tatlong kapatid. Kung nasa maayos kayong lahat, kahit na ako lang ang madungisan ng kasalanan. Aakuin ko lahat. Napasabi sa kanyang isipan noon. Hindi na siya nagsalita pa. xxxxxxxxx Tinitingnan ni Thalia ang kanyang parents’ consent, ayaw niya talagang sumama at nagdadalawang – isip siya noon. Maaga siyang nakarating sa paaralan, nagulat nga siya dahil pagpanhik niya, patungo sa kanilang klasrum ay nakabukas na ang pintuan, kahit wala pang tao sa kanilang klasrum. Inisip na lang niya na baka dumating na ang kanilang adviser. “You’re early today, Miss Thalia Blanco.” Bati ng nasa likod na tao. Nagulat naman siya kaya agad niyang nilingon ang taong nagsasalita. Nakita niya ang mukha ng kanilang adviser. “Good morning po, sir Jake.” Sabi naman niya. “Yes, good morning.” Ngumiti pa ito sa kanya, pumunta ito sa teacher’s table kaya nagkaharap – harap silang dalawa. Medyo nailang naman siya noon. “Oh, parents’ consent mo iyan hindi ba?” Napansin nito ang papel na hawak niya. Tumango na lamang siya at ibinigay sa kanyang adviser. Tiningnan naman kaagad iyon. “That’s good, that’s good pinayagan ka ng guardian mo. I’m glad, Ms. Blanco.” “Sir, may katanungan lang po ako.” Sabi niya, naglakas loob na siya. “Yes, what is it?” Tanong naman nito sa kanya. “Kapag po ba hindi makasama po ang mag – aaral. Ano po mangyayari sa academics po?” Tanong niya ng magalang sa guro. Tiningnan siya ng kanilang guro ng makahulugan, kumunot ang noo nito. “I get what you want to ask, Miss Blanco.” Tumigil na muna itong magsalita at tiningnan ang kanyang parents’ consent. “Hindi naman masyadong nakaaapekto kung hindi ka sasama sa camping trip, but the truth now is it will help your academics in other way. You know we have what we called, extra – curricular activities, that need your presence as a student. Also, it is compulsory, the school need your presence, if you listen carefully what I just said the other day, this camping will help you in many ways.” Mahaba nitong paliwanag sa kanya. Agad niyang napagtanto na walang excuses na mangyayari, maliban lamang kung hindi talaga pinayagan ng guardian o magulang ang mag – aaral, depende kung gaano kabigat ang rason nito kung bakit hindi pinayagan ng magulang ang mag – aaral na sumama sa camping trip. Tumango na lamang siya noon. “Thank you po.” Pagpapasalamat niya sa gurong kaharap niya. Tumayo ito at tinapik siya. Lumabas na muna ito sa klasrum nila. Napansin niyang unti – unti ng nagdadatingan ang mga schoolmates at classmates niya sa paaralan, dahil nagsimula ng mag – ingay ang paligid niya. Thalia, wala ka ng magagawa, kailangan mong sumama para malaki rin ang grades mo. Make your guardian proud at sa magulang mo ngayon. Huwag pairalin ang kapraningan. Pinagalitan pa niya ang kanyang sarili, dahil sa nararamdaman niyang hindi niya kayang ipaliwanag. Nagdagsaan na ang mga estudyante, at siya naman ay tahimik lang na nakaupo sa upuan. “Aba! Ang aga mo ngayon ah!” Sabay palo sa braso niya. Hindi na niya kailangan lingunin kung sinong nilalang ang pumalo sa kanya. “Good morning, Ruth.” Ngumisi lang ito sa kanya. “Pinayagan ka ba?” Tanong kaagad sa kanya. Tango lang isinagot niya sa katanungan ni Ruth. “Yes!” nagagalak ito sa narinig. “Sabay tayong bumili ng gamit sa Saturday.” Sabi naman nito. Tumango na lamang siya bilang pagsang – ayon sa kausap niya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa tatlong araw nilang pamamalagi sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD