Napapansin ni Mariely na madalang na itong nakikipag – usap sa kanya, napapabuntong – hininga na lamang siya. Matapos lang itong exam. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon na bumalik sa pag – aaral. Kailangan na niyang mag – doble ng pag – aaral, kaya minsa’y nag - over – night si Veron sa kanila para sabay silang mag – review. “Veron,” nasa faculty room sila, tapos na sila sa kanilang klase. Tiningnan naman siya ni Veron na hawak – hawak ang phone nito. “Yes, Faith?” tanong naman nito sa kanya. “Kailan tayo mag – f – file ng leave? Malapit na ang exam natin.” Napatanong na lamang niya rito. “Ay, nakalimutan ko nga, ikaw kailan ka mag – f – file?” tanong pa nito sa kanya. “Baka bukas, sabay na lang tayo.” Yaya naman niya rito. “Sige, no problem.” Napasabi na lamang nito sa k

