Napabuntong – hininga na naman si Becca, dahil nandito na naman ang kanyang anak na magaling. Tinitigan na naman niya ito nang masamang tingin at napa – arko na naman ang kanyang kilay. “What?” tanong naman nito sa kanya. “What are you doing here?” ipinagpatuloy niya naman ang kanyang ginawa, dahil marami siyang gagawin ngayon. “Mom, I’m your son, bakit masama bang dumalaw rito?” napatanong na lamang nito sa kanya. “Talagang ako talaga ang dinadalaw mo rito ha? O kaya’y makabiktima na naman ng bago mong babae.” Napakunot naman ang noo nito. “What? I’m a good son now, hindi ko na iyon ginagawa no.” sabi pa nito. “Talaga lang ha?” tanong naman niya rito na tinitigan pa ang kanyang anak ngayon. “Yep.” Pagmamalaki pa nito sa kanya. Kailan ba iyan aamin sa iyo? Napatanong na lamang sa

