“How’s your removal exam?” napatanong naman ni Mariely sa kanyang advisory class. “Okay lang naman ma’am.” Sagot naman sa kanya. Napatango na lamang siya, nag – aalala tuloy siya sa resulta sa removal exam ng mga bata ngayon. “We’re not cheating Ma’am.” “Alam ko iyon, may tiwala ako sa inyo.” Ngumiti naman siya rito bilang tugon niya. Inaantay na lang niya ang resulta at ang math lang ang inaantay niyang baguhin ang grades nito. Tapos na rin naman ang kanyang pagpupuyat at makakauwi na rin siya sa bahay nang maaga. Hapon, hindi siya dumiretso ng uwi sa bahay, dahil may binili pa siya na kanyang gagamitin na materyales, at isa pa’y nag – crave siya ng makakain ngayon. Madaliang desisyon niyang pumunta at kumain ng gusto niyang kainin ngayon, kaya, hindi siya nakapag – paalam na gabi

