“Nathan? May problema ba?” napatanong na lamang ni Nadia, dahil napapansin niyang nagpapalamon na naman ito sa iniisip. Napatitig ito sa kanya. “Pasensya na hon.” Napabuntong – hininga na lamang ito. “What happened? Tell me.” Nag – aalala naman siya rito. “I don’t know, kung paano ko ito ipapaliwanag, but, may namamagitan na sa kanilang dalawa.” tiningnan pa siya nito. Prinoseso niya sa kanyang isipan ang sinabi ni Nathan sa kanyan ngayon, napatitig siya kung tama ba ang nasa isipan niya ngayon. “That two, again?” tanong naman niya rito. Tumango naman ito sa kanya na tama ang kanyang iniisip. Napasinghap na lamang siya. “Are you really okay with this?” tanong na lamang niya. “Sinabi mo sa akin noon di ba? Saka, mahirap na pigilan ang bugso ng damdamin kapag ito na ang kinalaban mo.

