“Okay lang ba talaga akong nandito, El?” Rinig niyang tanong ni Veron noong inimbitahan rin nila ang kaibigan ni Mariely sa bahay. “Oo naman.” Sabi pa ng kanyang kapatid na babae na pinapakalma si Veron. “El, where is he?” tanong naman niya rito. Inimbitahan nga nila ngayon si Frank sa kanilang pamamahay para makilala ng kanyang magulang ang kasintahan nito. Syempre, nandito rin si Nadia na nag – aantay din. “Huwag kang masyadong mag – aalala, maaga – aga pa naman, hon.” Sabi pa ni Nadia sa kanya. Naghanda ang kanyang magulang ng pagsasaluhan nito ngayong gabi, kasama si Frank, pinakalma na lamang niya ang kanyang sarili. Hindi siya dapat makipag – bangayan ngayon. Well it depends sa lalaking iyon, kung paano ang magiging tonada ang boses nito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.

