Nasalubong niya si Mariely, papalabas na siya sa office ng kanyang ina, hindi pa siya nito napansin. Huminto siya sa paglalakad noon. “Hey.” Agaw niya ng atensyon rito, lumingon naman ito sa kanya, agad nagsalubong ang kilay nito, wala itong salita na nakipagtitigan sa kanya. “Ano?” tanong naman nito sa kanya na nairita na naman. “Hindi ka ba nasaktan ng kuya mo? After that reveleation?” tanong naman nito sa kanya. Napataas pa ito ng kilay. “Alam mo, wala ako sa panahong sagutin ang mga kabwisitan mo sa buhay.” Napasabi naman nito. “Bahala ka nga riyan sa buhay mo, bwisit ka talaga.” Sabi pa nito at dire – diretsong lumakad. Napailing na lamang siya noon, kailangan na niya ring pumunta sa office ngayon, malalagot pa naman siya ng kanyang ama, kapag nandoon ang ama niya sa kompanya,

