“Oh? May problema ka ba ngayon, Nathan?” napatanong na lamang ni Nadia sa kanyang kasama ngayon. Napailing – iling na lamang ito sa kanya. Niyakap na lamang siya nito. “Nag – aalala ka naman ba kay Ely no?” tanong naman niya rito. “I just want to ask you, should we invite him to our wedding?” napatanong naman nito sa kanya. Mahina na lamang siyang napatawa. “Iyan ba iniisip mo kung iimbitahan ba natin siya?” tanong naman niya rito. “Yeah, anong sa palagay mo? Should we invite him?” napatanong naman nito sa kanya. “Oo naman, ikaw? Para sa iyo, alam mo naman rerespetuhin ko ang bawat desisyon mo.” Napasabi na lamang niya. “Wala namang masama iyon, imbitahan na lang natin siya.” iyon na lang ang narinig niya kay Nathan. Napatango na lamang siya. “We need to include him to our guest.”

