Pumasok na si Mariely sa kanyang klase ngayon. Araw – araw talaga akong nasusurpresa ng mga batang ito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, napansin niyang kusa na itong gumagawa ng mga gawain, kagaya ng paglilinis, napapansin niya ring sumusunod na ito sa patakaran ng paaralan na nag – co – complete uniform na ito. Alam naman niyang hindi siya ganoon kahigpit sa mga nasasakupan niya, pero, masaya siyang nakukuha na niya ang respeto ng mga bata. Hindi man lahat, pero nakikita niyang may improvement naman. Napangiti na lamang siya, minsan talaga may rambolang nagaganap, minsan naman sobrang anghel nito at hindi siya nabubuwisit, pero, nandito nga siya sa harapan ng mga ito para matuwid ang landas ng mga kabataan. “Good morning.” Agad niyang bati rito. Nagsitayo naman ito at binati ri

