Napapansin ni Mariely na minsa’y may kausap ito sa phone at nagtatawanan pa, kapag tinatanong niya ito’y sinasabing katrabaho lang ang kausap nito sa phone. Napapatango na lamang siya, ayaw niyang kwistyunin ito at baka pag – ugatan pa ito ulit ng kanilang hindi pagkakaintindihan. Malapit na rin ang board exam at kailangan niya ring mag – focus, kailangan na muna niyang pagtuonan ng pansin ang pinangarap niyang maging isang professional na guro. “Frank.” Tawag niya rito. Napatingin naman ito sa kanya naghihintay ito sa kanyang sasabihin. “G—Gusto ko na munang mag – focus sa review ko, Frank, kaya b – bawas – bawasan ko na muna ang pamamasyal. K – kaya hindi na muna kita masasamahan.” Napatitig na lamang siya nito. Nag – isip pa ito, na napatitig sa kanya at napabuntong – hininga. Tum

