“Veron, napatawag ka?” Tanong ni Nadia noon. Nandito sila ngayon sa isang maliit na café, sinamahan na lamang niya si Nadia, nabigla siyang si Veron pala ang kakausapin nito. Naupo siya katabi si Nadia. “May itatanong lang po ako sa inyo.” Tiningnan na lamang sila nang mataman ni Veron. Bumuntong – hininga na lamang si Veron bago ito nagsalita. “M – May naalala na ba si Faith tungkol sa past relationship niya kay Frank dati?” napatanong na lamang nito sa kanila. Agad nagsalubong ang kanyang kilay at napatingin siya kay Nadia, pabalik kay Veron. Napabuntong – hininga na lamang siya bago niya ito sagutin. “Wala naman kaming napapansin na bumalik na ang alaalang iyon.” Napaisip siya bigla na minsa’y umiiyak ito dala ng masamang panaginip. “Maybe her memories kept bugging her again, na

