Bigla siyang tinawagan ni Nadia noon, at nabalitaan niya ang nangyari sa kanyang kaibigan. Napabuntong – hininga na lamang siya, dali – daling pumunta si Veron sa bahay nito. Kaagad naman siyang pinatuloy ng kapatid nito. Kahit gabing – gabi na noo’y agad siyang nagmaneho dahil gusto niyang damayan si Mariely ngayon. “Nasaan po si Faith?” agad tanong nito nang makapasok siya sa bahay nito. Napabuntong – hininga na lamang si Nadia. “She’s sleeping.” Mahinahon nitong sabi sa kanya. Hindi naman naka – lock ang pintuan sa silid ni Mariely, dahan – dahan lang siyang pumasok, nakita niya ngang tulog na nga ito. Tinanguan na lamang siya nito, hindi niya nakita ngayon si Nathan. Magha – hating gabi na noon, tinabihan niya lamang ang kanyang kaibigan. Mahina itong humihikbi, kahit man natutul

