KABANATA APATNAPU’T APAT

1494 Words

“Veron, natatakot ako para bukas.” Napasabi naman ni Mariely sa kanyang kaibigan na nakitambay na naman sa kanilang bahay. Tinaasan naman siya ng kilay ng kanyang kaibigan. “Bakit ka natatakot?” tanong naman nito sa kanya. “Ang pangit ng kasintahan ng anak niya.” Sabi pa niya rito. “Gaga ka ba? Tumigil ka nga, be confident, saka, hindi naman siguro ganoon si Ma’am Becca no, well, yeah, magugulat, pero iyong mag – judge sa pisikal, never.” Napailing – iling pa ito. “Iniisip ko pa lang iyon, parang ayoko ng pumunta.” Sabi pa niya noon. “Hoy, matulog ka na, paikot – ikot lang tayo, bibigwasan na talaga kita.” Sabi pa nito. “Veron!” pangungulit na naman ni Mariely, “Ano?!” irita nitong tanong sa kanya. Yumakap siya rito. “Pa – hug po, friend. Isasama na sana kita bukas.” Sabi pa niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD