Nagulat naman si Mariely sa pinagsasabi ng kanyang mag – aaral ngayon, napatingin na lamang siya ni Veron na nabigla rin. “Suspension?” Napatanong na lamang ni Veron sa mga bata. “I – Iyon po ang sabi ni Mr. Natividad sa amin, na sinasabi niyang ma – s – suspend kami.” Rinig niyang sabi ni Shaina. “Napag – usapan naman namin ni Ma’am Becca na hindi naman talaga kayo ang may kasalanan.” Napasinghap siya at napatingin kay Veron. “Sino ang namamahala ngayon sa Guidance?” Bigla na lamang niyang napatanong sa kanyang kasama. Nakita nito ang paglaki ng mata nito na napatitig sa kanya. “s**t, si Mr. Natividad ang namamahala ngayon sa guidance.” Napasabi naman ni Veron sa kanya. “He insist it to the principal na magkakaroon ng suspension ang mga batang nasasakupan mo, Mariely.” Napasabi pa n

