Naglakad – lakad pauwi si Shaina kasama silang Rodel, dahil dalawang araw silang walang klase kaya naman naisipan niyang umuwi na muna sa kanila para malinis ang kanilang tirahan, saka, babalik naman sila kaagad. Niyaya siya noon na magliwaliw nilang Rodel at Neil, habang papauwi na sila may nasalubong siyang dalawang tao, ngunit, nahagip ng kanyang paningin ang isang taong pamilyar sa kanya, napahinto siya noon sa paglalakad. Napakunot pa ang kanyang noo, alam nilang may relasyon ang kanilang adviser sa anak ng kanilang principal, na siyang palaging dumadalaw doon o kaya’y hatid – sundo minsan ang ina nito. Saka, nakikita rin nila paminsan – minsan na nag – d – date ang dalawa kapag Sunday, dahil palagi itong magkahawak - kamay, at sabay kakain. “Is it that guy na boyfriend ni Ma’am

