Ngayon lang siya tumuloy sa bahay ng kaibigan niya. Masaya naman si Veron, dahil sa buhay niya walang nag – invite sa kanya nang nag – aaral pa siya noong high school at nagkolehiyo siya, dahil nga mayaman ang pamilya niya, ngunit, ang gusto lang naman niya ay may kaibigan siyang maituring at ngayon, nahanap na rin niya ito. “Ma, bless po.” Nakita pa niya si Mariely na nagmano sa magulang nito. “M – Magandang gabi po.” Pagbibigay naman niya ng paggalang. “Oh, may bisita ka pala, Ely, halika hija, tuloy, tuloy ka.” Napasabi naman ng ina nito. Palihim siyang natuwa, dahil naramdaman niya ang mainit na pagtanggap nito sa kanya. “Mang, punt ana muna kami sa kwarto ko.” Pagpapaalam naman ni Mariely. Tumango naman ito kaagad. “Yayain mong kumain ang bisita mo para maghapunan maya – maya

