Nakita niya si Mariely na nakaupo sa hagdanan sa labasan ng mall. Kaagad niya itong pinuntahan. Nang nakita siya bigla itong tumayo at naglakad patungo sa kanya na takbo – lakad ang ginawa. Sinalubong ni Nathan ang kapatid niyang babae. Bigla itong yumakap sa kanya nang mahigpit. “Kuya, uwi na tayo.” Tanging rinig niya habang nakayakap ito sa kanya. “What happened, Ely? Bakit namumugto iyang mata mo?” tiningnan niyang mabuti ang anyo ng kanyang kapatid, nagtataka siya sa ayos nito. Hindi ito nagsalita sa kanya, pinipigilan nitong huwag umiyak, umiling – iling lang ito sa kanya. Walang sabing yinakap niya ito nang mahigpit at tuluyan itong umiyak. Tiningnan niya ang kapatid niyang babae, pinahid niya ang luha ng kanyang kapatid. “Let’s go, uwi na tayo.” Yaya naman niya nito, inayos na

