“Hay!” nakahiga ngayon si Mariely sa kanyang kama na iniisip ang mga katagang binitawan sa kanya ng kanyang senior – teacher na si G. Natividad. Siguro nga baguhan pa talaga ako sa pagtuturo, pero, hindi naman ganoon kasinungaling ang mga nasasakupan ko. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Napabuntong – hininga naman siya ulit. Nakatingin lang siya sa kanyang phone, bumakod siya at tiningnan niya ang desk niya, hindi na siya nagdadala na kung ano – anong gawain sa kanilang bahay ngunit, kailangan niyang gawin ang grades nito para hindi siya ma – late sa pag – submit ng grades kapag humingi na ang adviser sa mga subject teachers. Ibaling mo na nga lang iyang atensyon mo, Mariely, tanungin mo ulit ang mga bata. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Tumayo siya at nagtungo kaagad sa d

