CHAPTER TWENTY

1448 Words

Finally Celeste's POV Nagising ako nang mas maaga kaysa sa alarm ko. Hindi dahil sa ingay. Hindi rin dahil may deadline akong hinahabol. Nagising ako dahil may hinahanap akong tunog. Yung mahinang vibration ng cellphone ko sa tabi ng unan. Napangiti ako bago pa man tuluyang mamulat ang mga mata ko. Parang katawan ko na mismo ang nasanay. Parang may bahagi ng umaga ko na naghihintay muna bago magsimula. Pag-abot ko ng phone, naka-ilaw na ang screen. Diego ðŸŒŋ Landed. Milan is cold. And yes, kumain ako. Napatawa ako nang mahina. Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng dagdag niyang iyon, parang gusto niyang sabihin na hindi niya nakalimutang sundin ang bilin ko. Mabilis akong nag-type. Good morning. Good evening pala diyan. Proud of you. Ilang segundo lang ang lumipas bago nag-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD