continuation, Celestina's POV Hindi ko namalayang lumipas ang halos isang buwan na ganoon ang routine namin. Araw-araw na good morning. Araw-araw na kumustahan. Random pictures ng pagkain, ng langit, ng mga librong binabasa ko at ng kung anu-anong eksenang nakikita niya sa bawat shoot. Minsan, nagsesend siya ng picture ng sunset. Ako naman, ng mga sticky notes na nakadikit sa monitor ko habang naghahabol ng deadline. Hindi namin napag-usapan kung ano ba talaga kami. Hindi rin namin kailangang pag-usapan. Sapat na muna siguro ang presensya ng isa't isa. Isang Huwebes ng gabi, magka-video call ulit kami habang pareho kaming may ginagawa. Nakaupo ako sa kama, nakabukas ang laptop at inaayos ang huling revisions ng isang manuscript. Si Diego naman ay nasa studio niya, abala sa pagre-re

