First Celeste's POV Tahimik lang kaming bumiyahe matapos kong malaman kung saan niya ako dadalhin. Hindi na siya nagsalita. Ako rin. May mga katahimikang hindi kailangang punuin ng salita. At ang gabing iyon ay isa sa mga iyon. Marahang dumudulas ang Toyota GR86 sa halos bakanteng kalsada habang ang mga ilaw ng lungsod ay unti-unting naiiwan sa likuran namin. Paminsan-minsan ay may nakakasalubong kaming iilang sasakyan, ngunit bukod doon ay tila kami lang ang naglalakbay sa gitna ng hatinggabi. Mahina lamang ang volume ng stereo. Isang lumang acoustic playlist ang tumutugtog sa loob ng sasakyan. Hindi sapat para makagambala sa katahimikan. Sapat lang upang samahan ang pagtakbo ng gabi. Nakasandal ako sa bintana habang pinagmamasdan ang unti-unting pagbabago ng paligid. Napalita

